Darren Espanto

Darren gustong sumingit kay Kathryn!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

Ngayong taon ay gusto raw ni Darren Espanto na subukan na ang pag-arte sa harap ng kamera para sa telebisyon o pelikula. “I have been offered a few acting jobs pero hindi rin kasi kinakaya ng schedule, ‘yung mga taping days. Kaya ayun, sayang. I hope to act,” bungad ni Darren.

Humahanga ang binatilyo sa mga magagaling na artistang kanyang nakakasalamuha sa trabaho. “I have always been fascinated by actors. They can just portray a role that’s so far from who they are in real life. It’s just really cool that they can really do that on the spot,” paliwanag ng singer.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay si Kathryn Bernardo ang gustong makaeksena o makatrabaho ni Darren. “She’s been my childhood crush ever since she was in Goin’ Bulilit and Super Inggo,pagtatapat ni Darren. Bukod sa pag-arte ay pinapangarap din ng singer ang makapagtapos ng pag-aaral. “I hope I could do more stuff, performance-wise and also I’d like to finish grade 11, just continue my studies and also have a good career in singing,” giit pa niya.

Joanna malaki ang naging dusa sa Larawan

Masayang-masaya si Joanna Ampil dahil sa pagkapanalo bilang Best Actress sa 2017 Metro Manila Film Festival (MFFF) awards night kamakailan para sa pelikulang Ang Larawan na pinagbibidahan nila nina Rachel Alejandro at Paulo Avelino.

“Siyempre masayang-masaya, alam kong malaking parangal ‘yon kaya umiyak ako,” nakangiting pahayag ni Joanna.

Para sa singer-actress ay ginawa lamang niya ang nararapat sa trabaho kaya itinuturing na bonus na ang pagkakaroon ng award. “I’m happy kasi ‘yung pagod namin nag-pay off, ‘yung sama ng loob, ‘yung suffering, lahat ‘yon nawala,” pagbabahagi ni Joanna.

Ang nasabing proyekto rin ang nagkamit ng Best Picture, Best Musical Score, at Best Production Design awards. Simula kahapon ay nagbukas sa mas marami pang sinehan ang Ang Larawan upang mas maraming mga kababayan pa natin ang makapanood nito.

Nagpapasalamat din si Joanna sa mga kasamahan sa industriya katulad ni Lea Salonga na isa sa mga pumuri sa kanilang pelikula. “I’m very grateful of course, hindi lang si Lea. Marami din nagsuporta sa amin. Equally ang binibigay na support and ‘yung mga nag-congratulate. It’s all for you guys, nang dahil sa kanila nadagdagan na ang mga sinehan namin,” pagtatapos ng singer-actress.

Hanggang sa Linggo na lamang mapapanood ang mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with