Jeepney TV, may pamaskong Kapamilya concerts at MMK specials

MANILA, Philippines — Apat sa mga pinaka-dinumog na Kapamilya concerts, limang mga pelikulang pangpamilya, at tampok na MMK Specials ang magbibigay ng kulay sa Jeepney TV ngayong Kapaskuhan.

Makisaya kasama ang mga pinaka-hinahangaang Kapamilya stars tulad nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Jerome Ponce, Janella Salvador, at Marlo Mortel sa Be Careful with My Heart  thanksgiving concert; Coco Martin, Arjo Atayde, Yassi Pressman, Bella Padilla, at Maja Salvador sa FPJ’s Ang Probinsyano anniversary concert; at Bea Alonzo, Ian Veneracion, Iza Calzado, Enchong Dee, JK Labaho, Julia Barretto, at Ronnie Alonte sa A Love To Last thanksgiving concert sa pag-ere ng  Kapamilyas in Concert  sa nasabing cable channel sa buong linggo ng Kapaskuhan.

Dagdag kilig at pag-ibig naman ang dala ng JaDine na binubuo ng real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre gamit ang kanilang kahanga-hangang performances sa kanilang JaDine in Love concert.

Higit namang papasayahin ng Jeepney TV ang bonding ng pamilya sa Pasada Pelikula tampok ang Tagalized movies tulad ng animated adventure-comedy film na Rio, animated fantasy na Arthur and the Invisibles, feature adaptation ng graphic novel na Pixies, ang nakakatawang American family film na Baby Geniuses, at ang Quest For A Heart.

Huwag rin palampasin ang throwback MMK Christmas Specials na eere buong linggo ng Pasko tuwing 11pm.

Samantala, ipapalabas na rin sa cable channel ang 2016 South Korean action drama na The K2 tampok sina Ji Chang-wook, Im Yoon-ah at Song Yoon-ah, at ang 2009 Philippine fantasy romantic drama na Kambal sa Uma kasama sina Melissa Ricks, Matt Evans, at Shaina Magdayao ngayong Lunes, 11:20am at 2:45pm.

Magbabalik tambalan rin sina Coco Martin at Julia Montes sa pag-ere ng Jeepney TV sa romantic drama na Walang Hanggan kung saan kabilang din sina Paulo Avelino, Dawn Zulueta, at Richard Gomez. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 12:15pm.

Huwag palampasin ang Kapamilyas in Concert, Lunes hanggang Huwebes (Dec. 25 hanggang 28), 9pm at ang Pasada Pelikula, Lunes hanggang Biyernes, 5pm sa masa­yang selebrasyon ng Pasko ng Jeepney TV, na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV) o bisitahin ang www.jeepneytv.ph.

 

Show comments