Vice sinasadya ang pagyayabang

Strategy lang pala at hindi isang tahasang pagyayabang ang ginawang pag-claim ni Vice Ganda na bilyones ang perang ipapasok sa takilya ng kanyang pelikulang Gandarrapido: The Revengers Squad na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2017. Ginawa niya ito dahil gusto niyang marinig ng Diyos at pagpalain ang kanyang mga salita at kahilingan.

“Kapag ibinigay ng Diyos eh, di bongga. For sure may ibibigay sa amin na malaki ang Diyos kasi pinagtrabahuhan ito ng maraming tao at may maganda kaming intensyon, hindi pera pera lang,” pahayag ng host ng It’s Showtime.

Confident siya dahil kasama niya sa pelikula sina Pia Wurtzbach, ang pinakasikat at most followed Miss Universe, Daniel Padilla at kahit special participation lamang si Kathryn Bernardo, ang mahalaga ay kasama ito sa movie, at inaasahang ang presence niya ay tatangkilikin ng napakaraming followers ng KathNiel. 

Batid ng lahat na malakas ang pressure ang ibinibigay ng The Revengers Squad sa sikat na ko­medyante kaya tinatapatan niya ito ng yabang. Hawak niya, nila ni Coco Martin, ang highest grossing Filipino film of all time, ang The Super Parental Guar­dians na ipinalabas bago ang MMFF 2016. Kailangang matapatan niya ang record nito lalo’t may pelikula ring kalahok ang  bestie niya na Ang Panday na pinaniniwalaan ng lahat ay rason para sa sinasabing pagkakagalit nila ngayon ng kanyang kaibigan, kahit itinanggi na nilang pareho ni Coco. 

Paul gustong pasikatin ang Siargao

Hindi naman ang malaking kita sa takilya ang habol ni Paul Soriano, producer at direktor ng Siargao na nagtatampok kina Jericho Rosales, Erich Gonzales at Jasmine Curtis Smith, kundi ang makita ng manonood ang kagandahan ng isang lugar sa bansa na tanging ang mga mahihilig lamang mag-surfing ang nakakakilala.

Backgroud ito sa paghahanap ng isang babae ng paraan para mabuong muli ang kanyang sarili. Hindi totoo ang isyu na mas  pinili ito ni Echo kaysa sa pelikula na dapat ay pagsasamahan nila  ni Jennylyn Mercado at swerteng naibigay kay Derek Ramsay dahil mas nauna na itong tinanggap ng aktor bago pa dumating ang All of You.

Show comments