Kaya madaling natuto, Zia puro educational ang laruan!

Ang cute-cute ni Zia sa cover story ng December 2017 issue ng YES magazine.

Si Zia ang unica hija nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Smart ang bagets dahil sanay siya na makihalubilo sa mara­ming tao at napatunayan ko ito nang magkasama kami sa Paris wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong September 2, 2017.

Bukod sa smart, mabait at may disiplina na bata si Zia na pruweba na mahusay na mga magulang sina Marian at Dingdong.

Si Marian ang matiyaga na nagtuturo kay Zia at happy siya dahil madaling turuan ang anak niya.

Memorized na ni Zia ang ABC at marunong na siya na magbilang mula isa hanggang dalawampu, kesehodang two-years old pa lamang ang bagets. Puro educational toys kasi ang binibili nina Marian at Dingdong para kay Zia.

Gusto na ni Zia na magkaroon ng baby brother at ready naman ang magulang niya na magkaroon na siya ng kapatid.

Sinabi ni Dingdong sa interview sa kanya ng YES na magpalaki talaga ng pamilya ang kanilang plano ni Marian nang magpa­kasal sila pero ipinauubaya nila sa Diyos ang desisyon.

Nagkita kami nina Marian at Dingdong sa church wedding nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan noong Martes. Ninang uli ako at veil sponsors sila.

Inaanak ko rin sa kasal sina Dingdong at Marian. December din nang ikasal sila noong 2014 sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City. Best of friends sina AiAi at Marian na parehong mga ninang ako sa kasal.

AiAi alam kung sino ang hindi nakasipot Kasal

Hands-on si AiAi sa pag-aa­sikaso at pagpaplano sa church at wedding reception nila ni Gerald kaya knows niya kung sino ang mga hindi nakarating.

More than four hundred ang invited guests kaya nahihiya si AiAi sa mga bisita na hindi niya personal na naasikaso o nagkaroon ng photo op sa kanila ni Gerald.

Hindi dapat mahiya si AiAi dahil alam naman ng mga bisita na aligaga siya sa wedding day nila ng asawa niya.

Jojo Binay may pakisama

Mga ninong sa kasal nina AiAi at Gerald sina former Vice President Jojo Binay at Atty. Felipe L. Gozon, ang big boss ng GMA 7.

Nang mapansin ni Papa Jojo na inuubo si Atty. Gozon, nagpakuha siya ng bottled water sa kanyang aide na ibinigay niya sa GMA 7 executive.

May mga na-touch sa eksena dahil sa kind gesture ni Papa Jojo kay Atty. Gozon na magkasunod na araw na nag-ninong sa kasal bilang principal sponsor din siya sa Christian wedding nina Pancho Magno at Max Collins noong Lunes.

Aktor kumpirmadong nagbago nang yumaman at sumikat

Aloof sa mga tao ang isang aktor na umapir sa church wedding nina AiAi at Gerald.

Ang feeling ng mga saksi, naiilang ang aktor na makihalubilo dahil sa mga kontrobersya na kinasasangkutan niya.

Puwedeng napagkakamalan na mayabang ang aktor dahil hindi ito komportable sa harap ng mara­ming tao. Maaaring nagbago na talaga ang kanyang ugali dahil feeling sikat at mayaman na siya.

May mga tao kasi na kagaya ng aktor na may talent sa pagbubura ng past dahil nagbigay ito ng sadness sa kanila. Ni-reinvent niya ang sarili sa pamamagitan ng pagtakas sa nakaraan. Pagtakas daw o!

Show comments