^

PSN Showbiz

Pia nahirapang sampalin si Vice

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Pia nahirapang sampalin si Vice

Pia Wurtzbach

May isang eksena si Pia Wurtzbach sa Gandarrapiddo: The Reven­ger Squad na nahirapan siyang i-execute. Ito ang eksenang sinampal niya si Vice Ganda na hindi niya magawa-gawa nu’ng una dahil love niya ang komed­yante. Ang gusto niya ay dayain na lamang ang eksena, pero hindi pumayag si direk Bb. Joyce Bernal na ang gusto ay isang makatotoha­nang eksena.

Si Vice ang nakakumbinse kay Pia na gawin na ang eksena. Tinotoo naman ng ex-Miss Universe ang pana­nampal niya kaya nakaramdam din ng sakit si Vice. 

Pagselosan din kaya ni Marian si Anne?

Ngayon pa lamang ay marami na ang nag-aabang sa movie na gagawin nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na may pa­magat na Sid and Aya. Ina­asahan ng lahat na sa tagal na hindi pagsasama ng da­lawa sa proyekto ay magagawa nilang me­­morable at unforgettable ang mga cha­racter nila sa movie. Tulad ba nina Popoy at Basha na ginampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ng makalawang beses sa pelikula.

Isang romantic movie ang gagawin nina Dingdong at Anne na kabilang sa magkala­bang TV network. Dahil isang love story, si­gu­ra­dong  magkakaroon ito ng kissing scenes at love scenes.

Hindi kaya magselos na naman si Marian Rivra dahil game naman si Anne sa mga ganitong eksena? At kailangan bang humanda na si Anne sa magiging reaksyon ni Mrs. Dantes?

Pacman at Jinkee hiwa-hiwalay ang pamilya sa Pasko

Siguradong malulungkot ang Pac­quiao siblings dahil hindi nila makakasama sa Pasko ang mga pa­rents nilang sina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pac­quiao. Pupunta ng Korea ang mag-asawa para sa isang personal commitment at maggi-guest pa sa isang TV show. Dalawang araw makaraan ang Pasko na sila babalik.

Donna hindi nagpatalo sa mga sikat na player ng Ateneo

Maganda at magaling na na­pa­ngatawanan ng The Funny One champion na si Donna Caria­ga ang paggi-guest niya sa Gandang Gabi Vice kasama ang UAAP champion team sa bas­ket­ball na Ateneo Blue Eagles. Hindi siya na-in­timidate ng mga iniilusyong basketbolista. She held her own, na­ka­pagbuslo pa siya ng ilang jokes na hindi na out of place sa pinag-uusapan.

Ang maganda pa sa The Funny One champ ay nagawa niyang makipagsabayan sa mga basketbolista at hindi siya napag-iwanan, sa personalidad, wit, at intelligence.

I’m sure inggit ang maraming babaeng naka­panood sa kanya sa show dahil nakatabi, nakasayaw, at naka­biruan niya ang apat sa ipinagmamalaking cagers ng Ateneo.

Bravo, Donna!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with