^

PSN Showbiz

Jessa at Dingdong may joint album para sa kanilang showbiz anniversary

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dobleng musical excitement ang dala ng Star Music ngayon dahil ang OPM hitma­kers na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado may handog na joint album, ang kanilang 20/30 Commemorative Anniversary Album, sa pag­diriwang ng kanilang ika-20 at 30 anibersaryo sa showbiz.

Tampok sa espesyal na album na ito ang 10 magagandang awitin at dalawa pang bonus na kanta kabilang na ang ilan sa kanilang mga orihinal na awit, ka-abang-abang na revivals, at isang duet na pinamagatang Panghabangbuhay.

Kasama sa mga awitin ni Jessa ang Hindi Na Bale kasama si Michael Pa­ngilinan, at ang Maghihintay Sa’yo na unang inawit at pinasikat ni Ding­dong. Kabilang rin dito ang mga pinasikat na awitin ng Pheno­menal Diva na Ibigay Mo Na at Ikakasal Ka Na.

Kasama naman sa handog ni Dingdong ang OPM classic mula kay Rey Valera na may titulong Walang Kapalit at ang kanyang bersyon ng Paalam Na na siya mismo ang nag-compose at unang inawit ni Rachel Alejandro. Kasama niya sa awiting ito si Angeline Quinto.

Hindi makukumpleto ang album kung wala ang hits medley ni Jessa kasama ang mga kantang Bakit Pa, Pa’no Kaya, at ‘Di Ba’t Ikaw, ngunit tampok naman dito ang Prince of Pop bilang mang-aawit.

Bahagi rin ng album ang Wish I Could ni Ding­dong na ngayon ay inawit ng kanilang anak na si Jayda Avanzado. Handog naman ni Jessa ang theme song ng bagong ABS-CBN Kapamilya Gold series na Hanggang Saan, ang kantang Sa Ngalan ng Pag-ibig. Bukod sa mga ito, meron pang bonus tracks na Bakit Mo Ako Iniwan ni Jessa at Iibigin ni Dingdong.

Bumili na ng 20/30 Commemorative Anniver­sary Album nina Jessa at Dingdong. Para sa ka­rag­­dagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph, i-like ito sa facebook.com/starmusicph, at sundan sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with