PIOLO Nakasuporta pero ayaw makialam sa pinaggagawa ni John Lloyd

Ilang linggo nang napapanood si Piolo Pascual sa Home Sweetie Home kasama ni Toni Gonzaga. Napabilang ang aktor sa sitcom mula nang pansamantalang nawala si John Lloyd Cruz dahil sa pagbabakasyon nito. 

Masayang-masaya si Piolo dahil maganda ang feedback ng mga manonood sa kanyang mga ginagawa na show. 

Kahit wala si John Lloyd sa programa ay patuloy naman daw ang pamamayagpag nito sa ratings. “I spoke with Tin. Sabi ko, ‘Ano ba mangyayari sa ‘Home Sweetie Home’ because I want to know kung ano ang fate ng show n’yo.’ Sabi niya, ‘Ratings didn’t change, the advertisers are there, people are not complaining, people are not reacting to it, people are not violent about it.’ I think three years na ang show so meron na talaga siyang solid foundation and I’m just there to fill in,” kuwento ni Piolo. 

Samantala, nakasuporta naman daw ang aktor pagdating sa mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni John Lloyd. “We all want what’s best for him but it’s not for us to even comment or say anything about him because that’s his decision. We’re all just going to be here as a friend, as a brother, as a family and I’m not in the position to comment on what he is doing,” pagtatapos ni Piolo.

Darren gustong magkaroling sa mga bahay-bahay

Sa Canada lumaki si Darren Espanto kaya hindi raw nito naranasan ang makaroling sa mga kalye at bahay-bahay noong kabataan niya. 

“’Yung mga nagkakaroling po sa bahay, hindi po. I’ve experienced doing caroling hanggang school assemblies, gano’n po. For the holidays, pero never pa po sa mga bahay,” bungad ni Darren. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw subukan ng singer ang magkaroling lalo pa’t isa ito sa mga pinakasikat na tradisyon tuwing sumasapit ang Kapaskuhan. “Yeah! I think that would be fun. Sana ho hindi po sila mag-snub ‘pag ako po ‘yung nag-caroling. Sana po magustuhan nila,” giit niya. 

Samantala, kalalabas pa lamang ng limited edition Christmas album ni Darren na may titulong D’s Christmas.

Kasama sa nasabing album ang mga kantang Pasko Na, Pasko Bawat Sandali, My Grown-up Christmas List, The Christmas Song, Sana Ngayong Pasko, All I Want For Christmas Is You, Only Thing I Ever Got For Christmas, at O Holy Night.

Show comments