Female personality ginamit ang katawan para magka-daang libo sa kaban!

Marunong sa buhay ang isang female personality na nu’ng kasagsagan ng career ay natutong mag-ipon para sa kanyang kinabukasan. At para sa kinabukasan na rin ng kanyang pamilya dahil sa kanya lang nakasandal ang mga ito.

Hindi lang ang kanyang kagandahan at talento ang ginawang puhunan ng kilalang babaeng personalidad kundi pati ang maganda niyang katawan.

Dahil halos lahat ng mga kalalakihan nu’n ay nag-iilusyong makasama siya nang matagalan at mabilisan ay ginamit ni female personality ang kanyang utak—magbayad kayo!

At naging open-secret ang pakikipag-ugnayan niya sa mga kalalakihan for a fee. Malalaking tao sa lipunan ang kanyang mga kliyente, meron pa ngang mga heneral, pero meron siyang ipinakikilalang boyfriend.

Kuwento ng aming source, “Ginamit niya talaga ang katawan niya para magkamal siya ng pera. E, nu’ng mga time na ‘yun naman kasi, e, handang mangutang nang patubuan ang mga kalalakihan para maka-one-night-stand lang siya.

“Ganu’n siya kabenta, walang kapahi-pahinga ang girl, basta datung na malaki na ang pinag-usapan, ready siya anytime. Gora siya sa venue na pinag-usapan nila ng kanyang Boogie Wonderland, nakikipagkita siya sa client.

“Wala pang ilang oras, e, tapos na ang laban, mayaman na siya uli, daang libo na naman ang nadagdag sa kanyang kaban. Wala siyang puhunan du’n kundi ang humalinghing at humilata lang nang wagas.

“Matalino ang girl, alam niya na one day, e, magkakaedad din siya, babagsak ang maganda niyang katawan, hihina ang career niya, kaya inunahan na niya ang puwedeng mangyari sa kabuhayan showcase niya.

“Kapag dumating nga naman ang panahong ‘yun, e, meron pa rin siyang dudukutin, may kabuhayan pa rin sila ng pamilya niya, dahil natuto siyang magtabi ng mga kinikita at pinagpapaguran niya.

“Talagang matalino siya dahil pati ang mga branded stuff na inireregalo ng mga clients niya, e, ginagawa niyang pera. Ipinabebenta niya ang mga ‘yun sa mga kaibigan niya, maliwanag na pera na nga naman ‘yun nang wala naman siyang ipinuhunan.

“Pagtatawanan lang niya ang mga kapwa niya artistang nagpakalulong sa love nu’ng kaitaasan ng career nila. Puro love, pero wala namang datung, walang naitabi at naipon.

“Mag-nosebleed man sila sa kasisigaw, e, wala nang mangyayari dahil lipas na ang kanilang panahon,” nakakalokang kuwento ng aming source.

Ubos!

Isabel nag-iwan ng magandang tatak sa industriya

Hindi lang ang mundo ng showbiz ang nagbigay ng marespeto at disenteng lamay at libing kay Isabel Granada. Maging ang kanyang mga kasamahan sa Philippine Air Force ay nagbigay-pugay sa namayapang singer-actress.

Pagdating pa lang ng kanyang bangkay mula sa Doha, Qatar ay isang full military honors na ang ibinigay sa kanya ng PAF, binigyan din siya ng 21 gun-salute bago ang cremation ng kanyang mga labi, Air Woman 2nd Class si Isabel Granda na sarhento ang ranggo.

Ang pagpanaw ni Isabel Granada ay naging napakasakit para sa kanyang pamilya at mga kapwa artista pero isang magandang paalala ‘yun na kapag maganda ang itinanim na pakikisama ng personalidad habang nabubuhay pa siya ay mag-iiwan siya ng magandang tatak sa industriya.

Nakilala si Isabel Granada bilang masayahing artista. Walang kaintri-intriga sa katawan, walang kaaway, positibo ang kanyang pananaw sa buhay. 

Kahit nu’ng magkahiwalay sila ng ama ng kanyang anak ay wala tayong anumang narinig mula sa kanya samantalang truck-truck na kuwento ng paghihinagpis ang puwede niyang isumbong sa publiko.

Iningatan ni Isabel Granada ang kapribaduhan ng kanyang personal na buhay, may itinira siya para sa kanyang sarili, dahil halos lahat na nga naman ng kuwento ng kanyang buhay-artista ay naibahagi na niya sa publiko.

Maraming taon ang bibilangin ni Mommy Guapa bago nito matanggap ang pagkawala ni Isa, ang kanyang buhay, ang inikutan ng kanyang mundo mula nang ipanganak si Isabel hanggang sa kanyang pagtanda.

At totoong-totoo ang ipinahayag ni Arnel Cowley, ang pinakahuling lalaking nagpaligaya sa buhay ni Isabel Granada, na maraming pangyayari sa buhay na ito na napakahirap tanggapin at ipaliwanag pero nagaganap.

Dahil ang nakatakda ay nakatakda na. Wala nang ekstensiyon. Iisa lang kasi ang hiram nating buhay na kailangang isauli kapag dumating na ang takdang panahon.

Show comments