Marvin sumuko na sa paghihintay kay Jolina!

Hinihiling ng fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin na sana ay hindi permanente ang paggawa ni Marvin ng project sa GMA. Makakasama kasi ito sa serye ng magka-loveteam na Miguel Tanfelix at Bianca Umali na Santa Santita.

Walang sinasabing lumipat na ang akor sa Kapuso Network. Nagustuhan lamang daw nito ang role na gagampanan kahit kabilang lang siya sa support cast. Baka nainip na rin ito sa kahihintay sa follow-up project nila ni Jolina sa ABS-CBN.

Napakatagal na rin naman nang huli silang magtambal sa TV.

Mocha inayawan din ng mga galit kay Kris

Dapat talaga ay pinagtutuunan na lang ng pansin ni Mocha Uson ang kanyang trabaho sa halip na pumulot ng away maski na kay Kris Aquino na wala namang dahilan para awayin niya.

Hindi lamang niya nagustuhan ang posibilidad na pumasok ito sa pulitika. Marahil akala niya ay palagi niyang makukuha ang pagpanig ni President Rody Duterte sa lahat ng galaw niya laban sa mga Aquino. Marami mang galit kay Kris, pero hindi naman nila sasamahan si Mocha sa mga kapritso nito. Tsk. Tsk. Tsk. 

Ibang K-popstars baka gayahin na si Rain

Sino naman kaya ang nagmahadera at sumalto kaya hindi natuloy ang benefit concert na gagawin sana rito ng Korean star na si Rain? Napagbinta­ngan pang dishonest ang isa sa bumuo ng plano ng nasabing concert. Sino kaya siya at ano’ng kapalpakan kaya ang ginawa niya?

Sa rami ng mga kilalang K-pop stars ngayon, siguradong maapektuhan nang malaki ang tiwala sa atin sa pagkansela sa concert.

Show comments