Kris hindi binagayan ng masikip na masikip na damit
(Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2017 - 4:00pm

Miss Earth at Reina Hispanoamericana agawan ng manonood

SEEN: Si Vic Sotto ang pararangalan ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award sa 31st Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na magaganap sa November 12 sa Henry Lee Irwin Theatre ng Ateneo de Manila University.

SCENE: Excellence in Broadcasting ang ipagkakaloob ng Philippine Movie Press Club kay Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar.

SEEN: Ang Manila Diamond Hotel ang official residence ng mga kandidata ng Miss Earth 2017 na namataan kahapon sa Halloween party ng hotel. Sa November 4 ang coronation night sa Mall of Asia Arena ng Miss Earth 2017.

SCENE: Magkasabay ang coronation night ng Miss Earth 2017 at Reina Hispanoamericana 2017 sa November 4. Si Winwyn Marquez ang representative ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana at active siya sa pagsali sa lahat ng activities ng beauty pageant, katulad ng wastong pagsusuot ng tsinelas na Ipanema ang brand.

SCENE: Ang malaking balakang ni Kris Aquino ang unang napuna ng mga bisita na dumalo nang ipakilala siya bilang bagong celebrity ambassador ng isang produkto. Dapat iwasan ni Kris ang magsuot ng mga damit na hapit para hindi masyadong mapansin ang kurba ng kanyang katawan.

SEEN: Si Apriel Smith ang first ever winner ng Bb. Cebu na ginanap noong Sabado sa Waterfront Hotel, Cebu City. Sina Edu at Luis Manzano ang mga host ng grand coronation night ng Bb. Cebu.

SCENE: Umaasa si Jericho Aguas na mabibigyan siya ngayon ng visa para makalipad na siya sa Doha, Qatar. Si Aguas ang estranged husband ni Isabel na gustong dalawin ang kanyang comatose wife sa Hamad General Hospital. Nauna nang lumipad sa Doha noong Biyernes ang anak nina Isabel at Jericho na si Hubert at ang lola nito na si Isabel Castro aka Mommy Guapa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with