Rufa Mae pasok sa show ni John Lloyd!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2017 - 4:00pm

Masayang-masaya si Rufa Mae Quinto dahil isa na siyang opisyal na Kapamilya star.

Kabilang na ang aktres sa sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz na napapanood tuwing Sabado. “I am so happy to announce and to welcome myself for being with you guys. Kasi umiikot lang sa social media at nagiging trending ‘yung mga snippets and clips of my scenes ng mga mo­vies ko. So gustung-gusto na talaga nila ‘yung comedy ko talaga. So ngayon, siyempre pasa­salamatan ko kayong lahat mga Kapamilya na nag-aabang at susubaybay po sa amin every Saturday after ng TV Patrol,” nakangiting pahayag ni Rufa Mae.

Dapat daw ay noong isang taon pa nakalipat ang sexy actress sa ABS-CBN pero naudlot ito dahil sa kanyang pagbubuntis. Matatandaang ikinasal si Rufa Mae kay Trevor Magallanes noong November 25, 2016. Anim na buwan nang buntis noon si Rufa Mae nang magpakasal sila ng asawa. “Bago pa ako magbuntis kinukuha na ako sa Home Sweetie Home bilang yaya noong araw. So hindi ko lang nagawa kasi buntis ako. Pero anyways, siguro timin­g din na ‘yon. Dapat noon mag-PBB (Pinoy Big Brother) din ako ‘yung sina Elisse (Joson) sa Vietnam. Kapamilya na ako dapat last year pa kaya lang nag-spotting ako, ‘yung pagbubuntis ko. Kaya naospital ako, naging maselan ang first trimester. Hindi ako nakasama sa Vietnam,” pagdedetalye ni Rufa Mae.

Nakikita na raw ng aktres na magtatagal siya bilang isang Kapamilya. “Ngayon talagang para dito na talaga ako. This is meant to be,” giit pa niya.

Elmo magiging abala sa paggawa ng mga kanta

Muling pumirma ng recording contract si Elmo Magalona sa Universal Records. Para sa Kapamilya actor ay malaking bahagi ng buhay niya ang pagkakaroon ng sariling album dahil matagal na niya itong pinapangarap.

“I’ve been with Universal (Records) for two years and then I put out one album with them and also different kinds of projects with them. So this renewal means a lot to me because they really helped me achieve my first album,” nakangiting bungad ni Elmo.

Abala na ngayon ang aktor sa paggawa ng mga sariling komposisyon para sa bagong album na gagawin. “Actually hindi ko pa siya tapos lahat eh. In fact, maybe my whole album is gonna be purely talagang written by myself, pero not just by me naman. Parang I still have people collaborating and helping me complete the songs. Basta magiging moody siya siguro. Moody kasi pang iba-ibang mood siya,” pagbabahagi ni Elmo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with