Baron sinugod ng GF sa kulungan para makipag-break!

PIK: Wish ni Benjamin Alves na sana ay maka-date raw niya si Julie Anne San Jose sa panonood ng pelikula niyang Spirit of the Glass 2 sa November 1. Maganda raw na horror movie ang movie date nila kasama ang fans para sabay-sabay silang magtilian.

Ang panonood daw ng sine ang isa sa mga bonding nila ni Julie Anne. Marami raw kasi silang ginagawa kaya bihira na silang magkita.

Ang kinatatakutan daw ni Benjamin ay ang mawalan sila ng oras ng nobya sa isa’t isa. Pero kung talagang may trabaho, hindi raw isyu iyun sakaling hindi nga sila nakakapagkita. “Kinatatakutan ko ‘yung two to three weeks na hindi kami magkikita. Dito kasi Pilipinas parang nakakapanibago ‘yun eh. Parang nasa ibang bansa lang ‘yun eh.

“As much as possible po, at maganda naman po sa aming dalawa we understand ‘pag it’s always work first,” pahayag ni Benjamin na aligaga pa rin sa promo ng pelikula nilang Spirit of the Glass 2 ng Octoarts Films.

PAK: Isang young actress daw ang uma­ngal nang malaman niyang makaka­trabaho si Xander Ford. Bakit daw isinama pa si Xander sa isang prog­rama at makakaeksena ng young actress. Hindi lang daw niya masabi nang de­­ret­sahang ayaw niyang ma­ kasama ang nagbagong mukhang si Marlou Arizala.

Sinabihan daw si young actress ng isang staff ng prog­rama na huwag na siyang magreklamo dahil magagamit daw niya si Xander para mapag-usapan. Hindi na lang daw umimik ang young actress. Pero halatang ‘di niya talaga type makatrabaho si Xander.

BOOM: As of presstime, hindi pa rin nari-release si Baron Geisler sa Station 10 ng QCPD. Napag-alamang nagpiyansa na siya ng apat na libong piso sa kasong Alarm and Scandal at Unjust Vexation, pero hindi pa rin siya pinalalabas dahil meron pang lumutang na isa pang kasong naisyuhan na rin pala ng Warrant of Arrest.

May matagal na pala siyang kaso kung saan lu­mabag siya sa Aviation Law sa  paniniga­rilyo sa loob ng eroplano papunta sa Cebu. Kaya naka-detain pa rin ito sa kulungan hanggang sa tinitipa namin ang column na ito.

Nasagap din naming pumunta raw sa kulungan ang kasintahan niyang isang theater actress at naki­pag-break na sa kanya.

Naki-bonding na lang si Baron sa mga preso sa kulungan at meron na ngang ibang nakakulong na nagpa-tattoo pa ng panga­lan niya.

Totoo kayang may ilang taga-media na nagdadala ng alak kay Baron na inilalagay lang sa bote ng mi­neral water para ma-interview ito?

Show comments