JM ibinebenta ang sarili

Kailangan talaga marahil ni JM de Guzman ng patunay na substance-free na siya para lang magkaroon muli ng projects bilang artista. Kaya niya inilabas ang certificate na ipinagkaloob sa kanya ng Self Enhancement for Life Foundation, Inc. na nagpapatunay na drug-free na siya sa loob ng dalawang taon.

Nakakalungkot lamang dahil makaraan ang dalawang taon na pagkakawala sa bawal na gamot ay project free pa rin siya. Nami-miss na siya sa industiya kung saan ay nagpamalas siya ng galing sa pag-arte, pagkanta, at pagtugtog ng gitara.

Miss na rin niyang mag-perform.

Jericho nakikipagsabayan sa mga artistang Latino

Hindi kataka-taka kung maging paborito mang import na artista sa telebisyon si Jericho Rosales ng Latin countries sa seryeng ginawa niya with Kristine Hermosa, ang Dahil May Isang Ikaw. Magsisimula sa bansang Colombia ang pagpapalabas nito ngayong linggo. Nauna nang mapanood si Jericho sa Peru, sa teleserye niyang Bridges of Love with Maja Salvador and Paulo Avelino.

Ang Dahil May Isang Ikaw ay nanominado sa Emmy Awards nung taong 2012. Dahil dito ay nabigyan ang Kapamil­ya actor ng titulong Asian Drama King.

Speaking of Emmy Awards, nominado this year ang programang Wansapanataym bilang Best TV/Movie Series at si Zanjoe Marudo sa male acting category.

Mga Pinoy naaadik na rin sa Thai sa actors!

Sa kabila ng napaka-stiff na kompetisyon ng mga lokal na artista natin na nag-uunahan sa paggawa ng mga proyekto sa pelikula, telebisyon at stage, nakadagdag pa ang pagsikat ng mga artistang mula sa mga karatig bansa ng Pilipinas para mas lumiit ang tsansa ng Pinoy actors na maabot ang kasikatang hangad nila.

Dati ay nakasentro lamang ang pansin natin sa Korean TV series at sa mga artista na lumalabas sa mga ito, pero ngayon ay ramdam na ang pagkagiliw natin sa K-pop artists and culture. Nagkakaubusan na nga ng mga proyekto para sa mga artista natin, pero heto’t nakikiagaw pa sa kanila ang mabilis na dumaraming Korean imports. Tila nagbabadya pa ng mas madilim na bukas sa mga artista natin ang pagdagsa naman ngayon ng mga artistang mula sa Thailand sa pangunguna ni Mario Maurer na unang kinagiliwan ng mga Pinoy lalo na nang gumawa  ito ng pelikula katambal ni Erich Gonzales.

Bisita na naman ng bansa ang sikat na Thai actor kamakailan para sa ineendorsong shampoo. Sa kasikatan na tinatamasa ng ilan nating artista sa Indonesia, pasasaan ba’t makakaisip na ring dumayo rito ng Indonesian artists na tatangkilikin din ng mga Pinoy. At ‘di tulad ng mga telenovela mula sa Latin countries noon na hindi nagbigay ng pangamba sa ating local entertainment industry, mukhang may dapat tayong katakutan ngayon sa mga kapatid na­ting Asyano. It’s up to the Filipino artists, filmmakers, producers, at lalo na ng local fans na ipagpatuloy ang kanilang pagtangkilik sa mga palabas at artista natin.

Mikee feeling may mabigat na responsibilidad 

Ibinahagi ni Mikee Quintos sa kanyang followers kung ano ang na­ging impact ng Alyas Robin Hood sa kanya. Dahil sa role na ginampanan niya sa serye, na-realize niyang malaki ang puwedeng ma­ging bahagi nito buhay ng bawat manonood. “I realized how much responsibilities this job can demand from us. Whenever I portray a role, fictional or not, my work will always impact each viewer differently, but it’s also within those few seconds on screen that give me a chance to touch your lives as well as my own,” sabi pa ni Mikee.

Nagpasalamat siya sa mga patuloy na nanonood sa serye at dahil daw dito ay mas ginaganahan siyang galingan ang bawat performance.

Exciting na ang mga susunod na episode dahil matapos balutin ng matinding lungkot at pangungulila sa pamilya, handa na muling lumaban si Pepe (Dingdong Dantes) bilang Alyas Robin Hood at ipagtanggol ang mga naaapi.

Show comments