Singer-actor sumakto sa kiti-kiting asawa!

May sariling mundo kung ilarawan ng kanyang mga ka­trabaho ang isang kilalang male personality. Puwede siya sa pag-arte pero mas kilala siya sa pagkanta.

Kung kakausapin mo siya ay hindi naman siya nagsusuplado, sumasagot naman siya, pero kung ano ang tanong ay hanggang du’n lang ang sagot niya. Oo o hindi. Parang ganu’n lang.

Kuwento ng isang miron, “He says hi naman to his co-stars, bumabati rin siya sa production staff, pero ‘yun na ‘yun! Hindi na siya umaalis sa kuweba niya para makipagkuwentuhan sa mga kasamahan niya.

“Basta, nandu’n lang siya sa lugar niya, lumalabas lang siya kapag kailangan na siya sa eksena. Walang extra time si ____(pangalan ng male singer-actor) para maki-mingle sa mga kasamahan niya sa set.

“Nakasanayan na ‘yun ng mga katrabaho niya, ano nga naman ang magagawa nila, e, kung sa ayaw makigrupo sa kanila ang tao? Alangan namang kaladkarin pa nila palabas ang kasamahan nila?” kuwento ng aming impormante.

Dahil sa kakaibang ugali ng singer-actor ay nagi­ging kuwentuhan tuloy kung ano ang sitwasyon nila sa bahay ng misis niyang parang kitikiti naman?

“Maayos ang relasyon nila, in fairness, tahimik, wala tayong nababalitaan na kahit anong problema sa pagsasama nila. Ibig sabihin, compatible sila, ‘di ba?

“Isang tahimik, isang maingay, maganda ngang kumbinasyon ang ganu’n, unlike poles sila. Siguro nga, e, ang girl ang nagdadala ng conversation, dahil kung ang lalaki ang aasahan mo, e, silent movie ang mangyayari!

 “Model relationship ang samahan nila, maganda ang pagpapalaki nila sa mga anak nila, wala talagang problema ang relasyon nila,” pagsang-ayon ng source.

May pinagdaanang matinding hamon ang kanilang relasyon nu’ng mag-boyfriend pa lang sila. May isang female singer na umeksena sa kanilang relasyon. Na-Julie Andrews ‘yun ng aktres, ipinaglaban nito ang kanyang boyfriend, nalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon ang kilalang female singer.

“Napakalakas naman kasi ng dating ng lalaking ‘yun! ‘Yung pagiging tahimik niya, ‘yung pagiging mukhang suplado niya, yummy ang dating niya! Napakalakas ng appeal niya!” pagtatapos ng aming source na medyo kinikilig pa.

Ubos!

Pamilya nina Zoren at Carmina tahimik kaya mabenta

Napakabentang tagapag-endorso ng iba-ibang produkto ang pamilya nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Pampamilya ang kanilang atake, kasama palagi ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy sa kanilang mga TVC, modelo ang kanilang pamilya.

May dahilan naman kung bakit. Sa panahon ngayon na matindi ang epekto ng social media sa buong bayan ay hindi sila nagiging panghimagas ng mga bashers. Ang lahat ay nag-uugat sa pagiging tahimik din ng kanilang pamilya.

Totoong nagkakaroon din sila ng pagtatalo minsan, pero kahit kailan ay hindi ibinabahagi nina Zoren at Carmina ang personal nilang buhay sa publiko, tinatapos nila ang lahat sa loob lang ng apat na sulok ng kanilang tahanan.

Kaya kapag modelong pamilyang Pilipino ang hinahanap ng mga ahensiya ay pasok na pasok agad ang pamilya Legaspi. Sila ang nararapat na endorsers dahil sa ganda ng kanilang pangalan at sitwasyon.

May bagong endorsement ngayon ang pamilya, ang CitiDrug, na naglalayong magserbisyo sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga gamot na mapagkakatiwalaan sa mas murang halaga lang.

Pangunahing problema ng mga pamilyang Pilipino ngayon ang usapin ng gamot. Para mabuhay ay kailangang masustinihan ang ating katawan ng mga gamot na epektibo at kailangan ng maysakit.

Du’n pumapasok ang CitiDrug. Kumpleto sila ng mga inireresetang gamot na kailangan natin na kung ikukumpara natin sa ibang drug stores ang halaga ay malaki ang diperensiya ng presyo.

Parang bigas na ngayon ang gamot. Kaila­ngang meron tayo sa araw-araw nating buhay. Malaking tulong sa mga Pinoy ang CitiDrug na ang pamilya Legaspi ang tagapag-endorso.

Ang CitiDrug ay para sa pamilyang Pilipino. Malaki ang maitutulong ng kumpanya sa mga kababayan nating halos pinagkakasya lang ang kinikita.

‘Yun mismo ang gustong ihatid sa publiko nina Zoren at Carmina, pamilyang Pilipino ang pagseserbisyuhan ng CitiDrug, bulsa ng mga Pinoy ang unang-una nilang pinagmamalasakitan at gustong tulungan.

Show comments