Rufa Mae tanggap na nilayasan na ng asawa!

Matapos ang mga pitong buwan na pamamahinga, binalikan ni Rufa Mae Quinto ang pag-aartista sa pamamagitan ng isang mapaghamong role sa serye ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo ngayong Sabado, Setyembre 23, pagkatapos ng It’s Showtime.

First time ito ng comedy actress na lumabas sa isang programa ng Kapamilya. Matatandaan na for the longest time ay isang Kapuso ang seksing aktres. Ngayon ay sa Kapamilya Network siya mapapanood at sa isang heavy drama na itinuturing niyang isang malaking hamon dahil nakilala siya’t sumikat bilang isang  komedyante.

Hindi naman siya gaanong nahirapan dahil inalalayan siya ni direktor Dado Lumibao. Marami siya natutunan dito sa pag-arte sa drama.

Ipinagmamalaki niya na hindi niya kinailangang gumamit ng Vicks para umiyak. Humugot na lamang siya sa kanyang karanasan bilang isang ina para mabilis siyang umiyak.

Masaya sa kanyang pagiging pamilyado ang seksing aktres. Kahit wala ang kanyang asawang si Trevor Magallanes dahil sa Amerika ito nagtatrabaho ay naiintindihan niya na kailangan nitong mawalay sa kanilang mag-ina  para sa kanilang kinabukasan.

Nag-iimbita siyang panoorin ang Ipaglaban Mo dahil ibang ibang Rufa Mae raw ang ipakikita niya.

Empoy may mga TVC na rin

Sa rami ng projects na ginagawa at gagawin ni Empoy Marquez, marami ang nalilito kung ano ba ang unang papanoorin nila. Bukod sa pelikula na ginagawa para sa kanya at prodyus ni Claire dela Fuente na si Shy Carlos naman ang leading lady niya Barker (Don’t Know WhatTo Do) na ididirek ni Dennis Padilla, balak din siyang i-launch ng Star Cinema sa isang movie kapareha si Ellen Adarna. Mayroon ding follow-up movie ang Spring Films para sa kanya. Balik din ang tambalan nila ni Alessandra de Rossi sa isang serye ng ABS-CBN, kasama sina Piolo Pascual, JC de Vera at Arci Muñoz na ididirek ni Antoinette Jadaone.

Mabilis din ang maraming kumpanya na gumagawa ng TV commerical dahil agad nilang nakuha ang serbisyo nito kaya napapanood na ito sa ilang TVC. 

Barbie Ipinagdadamot na ang relasyon nila ni Jak

Sinabi ng Kapusong si Barbie Forteza na hindi niya ikinahihiya ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Jak Roberto. Kung umiiwas man siya na mapag-usapan sila ng aktor, ito ay dahil sa kagustuhan niyang mapanatiling pribado ang bahaging ito ng buhay niya. Ayaw niya na sa konting kibo ay ito na lamang ang uuriratin sa kanya gayung marami namang puwede pang pag-usapan tungkol sa kanila. 

Super Tekla si Jaclyn agad ang kaeksena

Mukhang may bagong aabangan sa Alyas Robin Hood dahil pasok na sa serye si Super Tekla bilang si Yvonne Lady at bongga dahil si Jaclyn Jose agad ang kaeksena niya rito!

Ano’ng papel kaya ang gagampanan ng dating Wowowin host bukod sa paglalagay ng make-up sa nanay ni Pepe? Mapagkakatiwalaan nga kaya talaga siya?

Siyempre, bukod diyan ay aabangan din kung ano’ng klaseng pagpapatawa ang ipakikita ni Super Tekla sa serye. O baka naman drama ang ipakikita niya rito?

Show comments