Kris may dalawang bagong endorsement, nangako uli ng balato

Ipinaramdam na naman sa akin ni Kris Aquino ang unconditional love niya dahil sa kanyang pro­mise na makakatanggap uli ako ng balato pagbalik ko mula sa Paris.

May dalawang bagong mga product endorsement si Kris at dahil love niya ako, na­ngako siya na bibigyan uli ako ng datung kaya nakaabang na naman ang followers ko na hoping na magkakaroon uli ako ng hula contest tungkol sa halaga na ipadadala sa akin ng Queen of All Media.

Iisipin ko pa kung magpapa-contest ako dahil US$150 na lang ang natira sa 500 dollars na ipinadala sa akin ni Kris, sa rami ng mga binalatuhan ko!

Macaroons na lang mula sa Laduree ang mabibili ko sa Paris sa datung na natira mula sa ipinadala sa akin na US dollars ni Kris. On second thought, may Laduree na sa Rockwell kaya bakit ko pa papagurin ang sarili ko na magbitbit ng macarons mula sa Paris?

Apat na araw lang naman ako sa Paris dahil dadalo ako sa kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. After ng kasal nila, balik-Pilipinas na ako dahil wala naman akong gagawin sa Paris. Saka excited na ako sa second batch ng balato na ibibigay sa akin ni Kris ‘no?

Kinaiinggitan Pauleen ‘di tinatablan ng morning sickness

Mali ang report ng isang entertainment magazine na February 2018 ang due date ni Pauleen Luna dahil sa December 2017 ang expected month ng pagsisilang niya sa panganay nila ni Vic Sotto.

Kinaiinggitan si Pauleen ng ibang mga buntis dahil hindi niya naranasan na magkaroon ng morning sickness. Kita n’yo naman, always fresh ang itsura niya sa Eat Bulaga at hindi maitatanggi na baby girl ang kanyang ipinagbubuntis.

Sure ako na magiging mabuting mommy si Pauleen dahil maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. Kung ano ang itinuro kay Pauleen ng kanyang mga magulang, tiyak na gagawin din niya sa coming soon baby girl nila ni Bossing.

Gumagawa ng vitamins na inIendorso ni Gerald high tech ang lab

Congratulations kina Niño Bautista at Red Gatus dahil bukas na ang high tech laboratories ng kanilang pharmaceutical company, ang Bargn Farmaceutici, sa Dasmariñas Technopark sa Dasmariñas, Cavite.

Palaki nang palaki ang Bargn dahil pinagkakatiwalaan ng consu­mers ang kanilang mga produko mula sa vitamins, lotions, shower gels at iba’t ibang uri ng health supplements.

Eleven years old pa lang ang Bargn pero kilalang-kilala na ito at inirerekomenda ng mga sikat na celebrity.

Si Gerald Anderson ang isa sa mga sikat na artista na naniniwala sa magandang epekto sa katawan ng Bargn product na kanyang iniendorso, ang CosmoCee.

Muling ipinakilala si Gerald bilang celebrity ambassador ng CosmoCee sa Raffles Hotel noong Martes.

Hindi man ako nakadalo, ipinadala sa akin ni Chuck Gomez ang supply ko ng CosmoCee na tini-take ko rin, lalo na ngayon na uso ang sakit dahil sa pabagu-bago na panahon sa bansa natin. Thank you Chuck!

Bukod sa CosmoCee, ang Bargn ang distributor at manufacturer ng CosmoSkin, CosmoBody Elite, at FiberMaxx.

Plano nina Nino at Red na magpakilala sa mga consumer ng mga bagong produkto, lalupa’t operational na ang malaking laboratory nila sa Dasmariñas Technopark.

“Simula pa lamang ang bagong planta na ’to para sa mga more exciting things para sa Bargn. Nais pa namin na lumikha ng mas marami pa na mga produkto na tutugunan ang pangangailangan ng nakararami sa mga produkto na may natural na mga sangkap,” ang mga salita na binitawan nina Red at Niño.

Show comments