Paul kawawa sa bintang na gamitan!

Poor Paul Salas, dahil lamang sa naging parunggitan nila at hamunan ng basketball game ng Teen King na si Daniel Padilla ay naparatangan na itong manggagamit nang umalma ito sa anak ni Karla Estrada. 

Kahit naman wala si DJ ay nagagawa ni Paul na iangat ang kanyang sarili at palawigin ang kanyang karera sa kanyang pamamaraan, kahit paunti-unti. Hindi naman niya siguro intensyon na “gamitin” si Daniel, ang ginawa niya ay reaksyon lamang ng isang ordinaryong bagets.

Dapat ay huwag nang palalain pa ang naging alitan ng dalawa.

Kean nawalan ng time kay Direk Brillante

Uso ang ligwakan sa industriya ng local showbiz. Tanggap na ng maraming artista ang pangyayaring marami ang napapalitan sa mga proyekto na naanunsyo nang kasama sila. Nangyari ito kay JC Santos na hindi na kasali sa cast ng horror movie ni Chito Rono na The Ghost Bride. Ipinagkibit-balikat na lamang ni JC ang pagkakabawas ng kanyang proyekto.

Naligwak din si Kean Cipriano sa The Right To Kill ni Brillante Mendoza. Wala namang may kasalanan dito kundi si Kean din dahil wala siyang maibigay na schedule sa produksyon na hindi na siya mahihintay pa. Hina­yang na hinayang si Kean dahil dream niyang makagawa ng straight action at maidirek pa ni Mendoza.

Dating bold star na si Katrina Paula ayaw magpanggap sa Inglesan

Sa kabila pala ng pagiging bold star niya at pagkakasangkot sa ma­raming kontrobersya in the past, matahimik na nairaos ni Katrina Paula ang pagpapalaki sa kanyang apat na anak. Isa nang ganap na piloto ang kanyang panganay. Ang pangalawa niya ay magtatapos na ng Mass Communication sa PLM habang nasa high school at elementarya ang natitirang dalawa.

Ito marahil ang criteria na pinagbatayan at ang pagiging single mom niya kung kaya siya ang napili para maging kinatawan ng bansa sa Mrs. Queen of VOAA (Voice of an Angel) na gaganapin sa Fukuoka, Japan sa September 4. Mas nakapoko ang contest sa Q&A kaysa sa beauty kung kaya sa tulong ng kanyang mga anak ay pinaghahandaan na ni Katrina ang international pageant na kung saan ay gagamit siya ng intepreter dahil sasagot siya sa mga tanong sa Tagalog.

Hindi na siya magpapa-impress sa pagsasalita ng Ingles dahil mas kumportable siyang mag-Tagalog. Good luck, Katrina.

Show comments