Stella... pinakamabenta sa PPP!
Stella... pinakamabenta sa PPP!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2017 - 4:00pm

Happy ang mga bossing ng Viva Films dahil pinipilahan sa takilya ang 100 Tula Para Kay Stella, ang official entry nila sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

As of presstime, ang pelikula nina Bela Padilla at JC Santos ang nangunguna sa takilya sa 12 pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Tuwang-tuwa ang Viva Films dahil hindi lamang pinipilahan ang 100 Tula Para Kay Stella, positive rin ang mga feedback na natatanggap nila mula sa mga nanood ng pelikula na ikinukumpara sa Kita Kita. May mga nagsasabi kasi na mas maganda ang 100 Tula Para Kay Stella kesa sa Kita Kita.

Kumbaga sa beauty contest, second runner-up ang Bar Boys sa 100 Tula Para Kay Stella pero ayon sa isang insider, malayo ang agwat dahil milyones nga ang kinita ng Viva Films movie nang magbukas ito sa mga sinehan noong Miyerkules.

Inaasahan na lalong lalakas sa mga susunod na araw ang 100 Tula Para Kay Stella dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula.

Ella payag batukan ‘pag nagbago ang ugali

Ang box-office success ng 100 Tula Para Kay Stella ang isa sa mga topic kahapon sa grand presscon ng Fangirl/Fanboy, ang bagong pelikula ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa September 6 sa direksyon ni Barry Gonzales.

Starring sa Fangirl/Fanboy sina Julian Trono at Ella Cruz. Bago sinimulan ang question and answer portion, kinantahan muna si Ella ng birthday song dahil kahapon ang kanyang kaarawan.

Isang taon ang agwat ng edad nina Ella at Julian dahil 21 years old na ang dalaga samantalang turning 20 ang leading man niya sa Fangirl/Fanboy.

Nag-promise si Ella na hinding-hindi magbabago kapag sumikat siya at kung magiging blockbuster ang Fangirl/Fanboy.

Inulit ni Ella ang sinabi niya sa kanyang birthday celebration na payag siya na batukan kapag nagbago ang kanyang ugali.

Itinanggi ni Ella ang mga intriga na maldita ito dahil ayaw nila ng madir niya na may kasama siya na ibang tao sa dressing room.

Angel ayaw gawan nG pelikula ng boyfriend na si Neil Arce

Nag-attend sa presscon kahapon ng Fangirl/Fanboy si Neil Arce dahil sila ni Joyce Bernal ang mga producer ng pelikula.

Si Neil ang line producer at si Joyce ang creative director ng launching movie nina Julian at Ella.

Dedma si Neil sa mga tanong tungkol sa kanyang rumored girlfriend na si Angel Locsin. Hindi sinagot ni Neil ang tanong kung kailan niya ipagpo-produce si Angel ng pelikula.

Sinabi naman ni Joyce na gustung-gusto niya na gawan ng pelikula si Angel pero walang sagot si Neil na biniro niya na “Neil Arte.”

Julian at Ella kabado sa FanGIRL/FanBOY

Super promote sina Julian at Ella sa Fangirl/Fanboy dahil malapit na ang playdate ng pelikula nila.

Normal na kabahan ang dalawa dahil nakasalalay sa kanila ang tagumpay ng Fangirl/Fanboy.

Milyun-milyon ang hits sa YouTube ng mga dance at music video nina Julian at Ella. Dinudumog ng fans ang lahat ng mall shows nila pero aware sila na hindi sapat na basehan ‘yon para tangkilikin ng publiko ang Fangirl/Fanboy.

Ipinagdarasal nina Julian at Ella na ma-translate sa box office success ng Fangirl/Fanboy ang mainit na pagtanggap ng fans sa kanilang mga mall show at provincial tour.

 

 

 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with