^

PSN Showbiz

Anak ni Randy huling gabi na ng lamay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ngayong gabi, August 16 ang huling lamay (urn viewing) sa namayapang anak ng singer-actor-director na si Randy Santiago at wife nitong si Malou Coronel-Santiago, si Ryan Leonardo Santiago sa De La Salle – Greenhills Chapel. Si Ryan ay sumakabilang-buhay noong gabi ng Linggo sanhi ng kanyang rare brain disease at multiple sclerosis. Ryan was 24.

Bumuhos ang mga nakiramay sa Santiago Family sa unang dalawang gabi ng lamay sa De La Salle – Greenhills Chapel.

Sarah at Annabelle nagkokontrahan sa kasal

Masunod kaya ang gusto ni Sarah Lahbati na sa Europe sila ikasal ng fiance niyang si Richard Gutierrez at sa isang island naman sa Costa Rica ang kanilang honeymoon?

Siyempre hindi papayag ang ina ni Richard na si Annabelle Rama na hindi rito sa Pilipinas ganapin ang bonggang wedding nina Richard at Sarah dahil narito sa Pilipinas ang mga kaibigan at pamilya ni Richard.

Kung si Sarah lamang ang ma­susunod, gusto niyang intimate wedding lamang ang maga­nap kung saan kumpleto ang kanilang respective fa­milies at malalapit na kaibigan.  Sa aspetong ito ay tiyak na magtatalo sina Sarah at Annabelle pero ang final say ay magmumula mismo kay Richard .

Ang katwiran naman ni Annabelle, minsanan lamang sa buhay ng isang tao ang kasal kaya gusto niyang masaksihan ito hindi lamang ng kanilang mga pamilya at mga kaanak kundi pati na ng kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Hindi pa man kumpleto ang wedding entourage nina Richard at Sarah, tiyak nang ang four-year-old son nilang si Zion ang tatayong ring bearer.

Daniel masayang kasama uli sina JC at Sue

Natutuwa si Daniel Matsunaga na muli silang magkakasama nina JC Santos at Sue Ramirez sa Metro Manila Film Festival Movie (MMFF) entry ng OctoArts Films, M-Zet Production, at APT Entertainment, ang Meant To Beh na pagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta mula sa direksiyon ng writer-director na si Chris Martinez.

Sina Daniel, JC at Sue ay unang nagkasama sa local franchise ng reality show na I Can Do That.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with