^

PSN Showbiz

Sharon bumuwelta sa mga maka-Sarah, pamilyang hindi lumuluha hindi nabanggit

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon bumuwelta sa mga maka-Sarah, pamilyang hindi lumuluha hindi nabanggit

Sharon Cuneta

MANILA, Philippines - May kahabaan ang paliwanag ni Ms. Sharon Cuneta sa insidenteng naging bitter siya sa pagkapanalo ng Team Sarah sa The Voice Teens na two weeks ago pa naganap ang grand finals.

Napuno na siguro si Ate Shawie kaya bumuwelta na siya. Ang intriga kasi sa kanya ay nakunan ng camera ang reaction niya sa pagkapanalo ng alaga ni Sarah na si Jona.

“Can you please not believe the rumours na I snubbed everybody after Team Sarah and Jona won on The Voice Teens? And kino-comfort ko noon ay si Jeremy. I don’t even remember if I hugged Lala too. Katabi ko si Lala of Bamboo. I don’t even remember kung si Bamboo nakausap ko pa. When I looked gumitna na si Jona kakanta na ulit so ayoko naman “pumapel,” tapos nakita ko halos in one line pinapababa na kami ng stage sa side, nauna sila Lea then may mga nang-interview na yata sa kanila kasi to my right dumami na ang tao at nakatalikod na si Lea. Si Sarah hindi ko na nakita baka in-interview na rin. In short I didn’t have the chance.

“And just to let you know, everybody on the staff of the show knew that I was sick since that Friday. All the way through Saturday and the Grand Finals nung Sunday. My acidity was so bad and I had a cough Friday that suka pa ako ng suka na wala naman halos lumalabas kasi di ako makakain.

‘Sa buong career ko may nakita ba kayong asal ko na ganyan kababaw at kabastos? Lumalaban lang ako pag kaila­ngan, pero bihirang-bihira yon over almost 40 years. Bakit pinalalaki ito o inumpisahan man lang? Si Sarah parang nakababatang kapatid ko. Pinagtanggol ko noon sa intriga when kahit sa sarili ko never ko ginawa yon dahil naniniwala akong isa siya sa dapat lang respetuhin at sumikat dahil matino siyang bata, magandang example sa kabataan ngayon bukod sa napakagaling. Bakit ko gagawin yun? Show lang po ito at lahat kaming apat may karapatan maging coaches at judges dyan,” bahagi ng litanya ni Ate Shawie sa kanyang Facebook account.

Binanggit niya pang nag-check in pa nga siya sa hotel dahil ayaw niyang mahawa ng ubo ang kanyang mga anak at hindi siya umuwi ng tatlong araw.

Pero sana imbes na pinatulan ni Ate Shawie ang isyu na hindi naman pinaniniwalaan ng karamihan ay nag-promote na lang siya ng pelikula niya sa isinasagawang Cinemalaya kung saan official entry ang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha. Kulang sa ingay ang nasabing pelikula lalo na nga’t limitado ang pinag­lalabasang mga sinehan. Bukod sa siya ang bida, kasama rin siya sa mga producer ng Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.

Winwyn Marquez

Winwyn rumampa na, malakas ang ugong na may laban Sa Miss World

Parang may laban this time sa Miss World 2017 si Winwyn Marquez base sa mga naglutangang photos ng press presentation ng Miss World pageant kahapon.

Kita sa pagrampa niya na nakapaghanda siyang maigi, physically. At lutang din siya kumpara sa iba pang mga ipinakilalang mga kandidata. Wala naman siyang problema sa Q & A dahil kilalang brainy ang anak nina Joey Marquez and Alma Moreno.

Pangalawang subok ito ni Winwyn Marquez sa beauty pageant. Nauna na siyang naging luhaan sa Miss Universe Philippines.

Jake Tordesillas

Jake 40 days nang wala

Forty days na pala since mamaalam ang magaling na writer na si Jake Tordesillas. Magkakaroon ng 40th Day Memorial Mass, Prayers and Fellowship ngayong gabi bilang pag-alala sa kanya ng mga kaibigan at kasamahan sa industriya. Ang partner niyang si Direk Maryo J. delos Reyes at kapatid nitong si Honey ang punong-abala sa nasabing fellowship na gaganapin sa Sampaguita Gardens.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with