Marian Rivera

Marian inilantad ang kaseksihan sa Siargao
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Seksi-seksihan si Marian Rivera sa Siargao. Yup, nakapuslit ang mag-anak na Ding­dong, Marian and Zia sa paborito ngayong puntahan ng mga sikat, ang Siargao Island.

Zia

At hindi lang si Marian ang rumampa-rampa, pati si Zia, obvious na maligayang nasa nasabing isla sila. Cute na cute na si Zia na lumala­king madaldal at matsika. Manang-mana raw ang bagets kay Ma­rian kaya masayang kausap.

Twinny twinny sila sa suot na swimsuit kaya super cute ng mag-ina.

Pagbalik nila ng Maynila ay sasabak na sina Marian at Dingdong sa walang humpay na trabaho para sa kanilang eereng primetime series ang Super Ma’am for Marian and Alyas Robin Hood ni Dingdong.

By the way, dawit ang Siargao sa isyu kina Direk Paul Soriano at Erich Gonzales. Yup, binibigyan ng malisya ng iba ang naging closeness umano nila habang nagsu-shoot ng pelikula sa nasabing isla.

Kim Chiu

Kim hindi nagpadaig sa Ironman!

Napalitan ng saya ang kabang naramdaman ni Kim Chiu bago ginanap ang Ironman 70.3  kahapon sa kanyang hometown, Cebu. Natakot si Kim na atakihin siya ng pananakit ng tuhod at legs sa oras ng competition. Though nagkaroon daw ng cramps si Kim, hindi ito sumuko hanggang ‘di natatapos ang unang sabak niya sa Cobra Ironman 70.3. “This is it!! few more hours till I start my run! hoping the pain will not visit my knees and legs today!!! not today!!! happy sunday everyone!! #ironmancebu2017,” ang post niya bago sumabak sa nasabing competition na ginanap nga sa Cebu.

Determination and motivation ang naging sandalan ni Kim ayon sa kapatid niyang si Ate Kam kung bakit nakaka­yanan ni Kim ang Ironman.

Pinandigan na nga niya ang role niya sa Ikaw Lang ang Iibigin kung saan mahuhusay silang triathlete ni Gerald Anderson sa nasabing palabas sa umaga sa ABS-CBN.

Isa lang si Kim sa mga Kapamilya stars na sumali sa nasa­bing event. Kabilang din sa sumabak kahapon sina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Matteo Guidicelli, Jake Cuenca, Enchong Dee  with Dyan Castillejo and Kim Atienza.

Dumagdag pa sa pagiging star-studded ng event si Sarah Geronimo na sinorpresa ang boyfriend na si Matteo.

Hindi ito ang first time na sumuporta ang singer actress sa karelasyon. Maaalalang nung last na Ironman ay andun din si Sarah sa finish line para sa BF na kababayan ni Kim.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with