Korean actor na leading man ni Heart may big reveal!

MANILA, Philippines -  Sa wakas ay opisyal nang ia-announce sa 24 Oras ang Korean actor na magiging leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya.

Kaya ngayong Martes malalaman na ang identity ng mystery man na matagal nang hinihintay makilala at mapanood ng Kapuso viewers.

Talagang kapana-panabik ito dahil matagal nang usap-usapan ang Korean actor na magiging kapareha ni Heart sa pinakaunang GMA-produced drama series na partly shot sa Seoul, South Korea. Bukod sa kanyang leading man, ilang professional Korean actors din ang pasok sa all-star cast ng original romantic soap opera na ito ng Kapuso Network.

Sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes, makakasama ni Heart sa serye sina Janice de Belen, Ricky Davao, Iya Villania, Edgar Allan Guzman, Valeen Montenegro, Frances Makil, Jinri Park, Myke Salomon.

Tutukan ang big reveal na ito sa 24 Oras mamayang gabi.

Show comments