Heart nag-aral na rin mag-korean!

MANILA, Philippines - May mga Korean dialogue pala si Heart Evangelista sa kanyang teleseryeng My Korean Jagiya na majority sa mga eksena ay kinunan pa sa South Korea na ang airing ay sa August 21 na.

Pero ayaw pang i-reveal ni Heart kung sino talaga ang mga Korean actor na nakasama niya sa mga eksena roon kung saan two weeks silang nag-taping.

At nang tanungin siya kung sino ang favorite Korean stars niya Rain and Song Hye Kyo ang sagot niya.

At kasama pala sana ang anak ni Sen. Chiz Escudero na si Chesi sa Korea, pero hindi raw ito natuloy.

Actually, ang gaganda ng mga lugar na pinuntahan ni Heart sa Korea base sa mga post niya sa kanyang IG account. Mga spot talaga na napapanood natin sa K-drama kaya nakaka-excite dahil parang li-level sila sa mga kinababaliwang K-drama ng mga Pinoy. Darling in English ang Jagiya.

Straight from Paris si Heart nang mag-taping sa Korea kung saan siya nag-attend ng Paris Fashion week at personal itong inimbitahan ng mga kaibigang designer kabilang na ang Hermes representative na si Michael Coste.

Jona Soquite

Team Sarah nanalasa agad sa The Voice

Ang init ng bakbakan sa The Voice Teens.

Pero pinakamaraming excited ay ang Team Sarah kung saan pasok ang panlaban ni Sarah na si Jona Soquite.

Kaya naman ang popsters, nag-uunahan na sa pagpapa-trend ng Team Sarah.

Ang fans ni Sarah ang pinaka-active sa tuwing may The Voice… kaya asahang mananalasa ang pambato ng Team Sarah sa botohan.

Sarah Geronimo

Anyway, tutok si Sarah sa promo ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz na Finally Found Someone na showing na sa Wednesday.

Sa trailer pa lang, very Sarah na ang movie na matagal-tagal na rin hinintay ng fans.

Birthday ni Sarah sa July 25 kaya saktong birthday gift niya ang Finally Found Someone sa fans nila ng actor na idinirek ni Theodore Boborol.

Show comments