Regine nalungkot sa naging kapalaran ni Ogie sa Little Big Shots

Ogie at Regine

Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa Kapamil­ya network ang local version ng Little Big Shots. Si Billy Crawford ang napiling host para sa nasabing children at talent show.

Unang napabalita na si Ogie Alcasid ang magiging host ng programa pero hindi ito natuloy. Wala raw sama ng loob ang Songwriter kay Billy kahit na hindi napunta sa kanya ang bagong proyekto. “I’m just thankful to ABS-CBN that they even considered, that I was given the opportunity to do the mock shoot. And I’m so happy that it went to Billy. I’m very proud of him. Obviously he deserves it more than I do. I even texted him, sabi ko, ‘Pare, I’m 100% behind you all the way,’ and I wish him all the success,” nakangiting pahayag ni Ogie.

Ang pamunuan umano ng international franchise ng Little Big Shots ang nagdesisyon na kunin si Billy upang maging host ng programa. “I think siguro bago ako rito. They know Billy obviously because he’s an international star and they’ve seen him, dami na niyang hinost. Na-feel noong may-ari ng franchise na si Billy talaga. Eh sila ang may-ari eh, sila ang masusunod,” pagbabahagi ni Ogie.

“Na-appreciate ko naman sa mga boss natin sa ABS-CBN na they are very supportive of me, they’re very honest. Ganoon talaga, gusto ko ‘yung dinaanan ko ‘yon, nag-audition ako, ‘di ka natanggap. That’s part of the process. You have to take that kahit 50 years old na ako at ang tagal-tagal ko na rito, dapat ganoon talaga,” dagdag pa niya.

Ikinalungkot daw ng asawang si Regine Velasquez nang malaman na hindi natuloy si Ogie upang mag-host ng nasabing programa. “Lagi niyang pinapanood ‘yon. Siguro nagdamdam si Regine for me dahil gusto niya sa akin ‘yon. But like I always say, mayroong nababagay sa iyo, mayroong hindi. And thinking now sa schedule ko, parang ‘di ko din yata magagawa,” pagtatapos ni Ogie.

Liza maraming version ng darna movie ang gagawin

Puspusan na ang ginagawang training ngayon ni Liza Soberano bilang paghahanda sa pelikulang Darna. Ayon sa direktor nitong si Erik Matti ay posibleng hindi lamang isang pelikula ang gagawin ng aktres. “She’s fresh, she’s young, she could grow into the role. She’s slowly going to graduate into becoming a serious actor. And I think parang tama lang ito for her. Remember it is going to be a franchise, she is not just going to come out in one,” makahulugang pahayag ni direk Erik.

Matatandaang nakuha ng ABS-CBN noong pang 2013 ang rights ng Darna, Dyesebel, at Captain Barbell na nilikha ng komiks legend na si Mars Ravelo.

Show comments