Pia takot pag-usapan ang half-brother!

Miss U Philippines parang ‘di beauty queen manamit

Scene: Hindi natuwa kay Pia Wurtzbach ang ilang member ng media  na kanyang iniwasan  sa event ng PLDT Home noong Huwebes dahil ayaw niya na matanong tungkol kay Alexander Wurtzbach.

Seen: Si Alexander Wurtzbach ang half- brother ni Pia Wurtzbach na tinawag na sinungaling ang former Miss Universe dahil hindi raw totoo ang life story nito na isinadula ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

Scene: Makitid pa rin ang isip ng ilang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil bina-bash nila ang entertainment writers na nagsusulat na for reel at hindi for real ang AlDub loveteam.

Seen: Act and dress like a beauty queen ang unsolicited advice kay Bb.Pilipinas Universe 2017 Rachel Peters dahil dumadalo siya sa mga event na hindi maayos ang pananamit niya.

Scene: Ang babala ni Atty. Ferdinand Topacio na contempt of court at sub judice kay Jaclyn Jose dahil sa Instagram rants nito laban kay Jake Ejercito. Si Topacio ang legal counsel ni Jake sa custody case na dinala nito sa korte para magkaroon siya ng karapatan sa lovechild nila ni Andi Eigenmann.

Seen: Magaganap ngayong tanghali sa Valencia Events Place ang announcement ng official nominees sa The Eddys Entertainment Editors Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors.

Scene: Mapapanood ngayong tanghali sa Eat Bulaga ang concert ni Baeby Baste at ng Broadway Boys. Ito ang second time na may concert si Baste sa noontime show ng GMA 7.

Show comments