Movie ng magka-love team nanganganib malusaw!

Matuloy pa kaya ang pelikulang binabalak para sa isang love team na sumikat sa isang series? Next month na dapat sisi­mulan ang shooting ng movie, may director na, may title na, tapos na ang script at napili na ang ibang cast ng movie.

Ang problema, ayaw ng kampo ng bidang aktres sa napili ng producer na gawing leading man niya. May mga cryptic post sa social media ang kampo ng aktres patungkol sa aktor na magiging leading man sana niya at doon pa lang, makikita ng ayaw na ayaw ng kampo ng aktres sa aktor. Obvious na alam na ito ng aktor dahil sumagot siya ng isa ring cryptic post at higit sa lahat, apektado na ang friendship nila ng aktres.

Ibang aktor ang gusto ng kampo ng aktres na makapareha at malaking problema ito sa mga producer. Sino ngayon ang susundin nila? Ang kampo ng aktres o ang fans ng magka-love team na dismayado sa mga nangyayari?

Kasamaan ni Dennis lutang na lutang

Buong pilot week ng Mulawin vs. Ravena ay Strong Parental Gui­dance  (SPG) ang ra­ting dahil sa ilang maseselang eksena, gaya na lang ng rape scene ni Gabriel (Dennis Trillo) kay Alwina (Heart Evangelista). Idagdag pa ang seduction scene nina Rashana (Chynna Ortaleza) kay Gabriel.

Pero ang adult viewers lang ang nakapansin noon dahil ang batang viewers, focus sa magandang location, ganda ng story at galing umar­te ng child stars. Partikular ang gumanap na young Anya at young Almiro. Ang husay ng mga bagets at ang pakiusap ng viewers sa GMA 7, alagaan sila at bigyan ng kasunod na show ‘pag nawala na sa Ravena.

Napupuri rin ng viewers ang husay umarte ni Dennis bilang anti-hero at tama ang comment ng viewers na kayang maging bida at kontrabida ng aktor.

Hindi tinulugan…

Sinundan ni Direk Jun Lana ang unang ibinalita ni Direk Perci Intalan na “sleeper hit” ang produced mo­vie nilang Sleepless. Nagsimula sa eight thea­ters, after one day, nadagdagan ang screening nito sa SM North EDSA at SM MOA.

Ang pinakamagandang balita ni Direk Jun, showing na ang Sleepless sa 26 theaters nationwide. 

Hindi lang dahil sa maraming insomniacs at call center agents, kaya successful ang Sleepless, malaking parte rin ang mga bidang sina Glaiza de Castro at Dominic Roco together with TJ Trinidad.

Samantala, ang The IdeaFirst Company nina Jun at Perci ang producer ng bagong Viva Films movie na Ang Pambansang Third Wheel Tampok dito sina Yassi Pressman, Sam Pinto, Candy Pa­ngi­linan, Alonzo Muhlach at Sam Milby. Written and directed ni Ivan Andrew Payawal ang pelikula.

Gf ni Gil waging MYX VJ

Ang girlfriend ni Gil Cuerva na si Kim Cruz ang nanalo sa VJ Search ng MYX. Sundan kaya nito ang boyfriend na pasukin din ang showbiz? Kapag nag-showbiz si Kim ay sa ABS-CBN siguro siya mapupunta dahil dito siya nagsimula.

Ang Vidanes Celebrity Marketing ni Betchay Vidanes ang manager ni Kim. Kasama niya rito sina Robin Padilla, Kylie Padilla, Baste Duterte at Jasmine Curtis-Smith.

Anyway, Belo endorser na rin pala si Gil, pinost ng leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star ang pasasalamat kay Dra. Vicki Belo at tsinika ang ginawang treatment sa kanya. Isa si Kim sa nag-comment sa post ni Gil.

Show comments