Arci nagmukhang clown sa kapal ng labi! Gerald ayaw pag-usapan si Maja

SCENE: Nagmistulang labi ni Joker ang lips ni Arci Muñoz na biglang kumapal at nag-iba ang hugis. Pinagbibintangan na may ginawa si Arci para maging pouty ang kanyang mga labi.

SEEN: Maingay ang female employee ng isang bangko sa Quezon City dahil rinig na rinig kahapon ng lahat ng mga kliyente ang pagtatanong niya kay Glaiza de Castro tungkol sa South Korea trip nito sa susunod na linggo. Nagpunta sa bangko si Glaiza para humingi ng bank certificate, hindi para i-broadcast ang pagpunta niya sa ibang bansa.

SCENE: Same female bank employee ang maingay na nagtanong kay Juancho Trivino tungkol sa car loan nito kaya nalaman ng mga kliyente ng bangko na five years to pay ang sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso at P20,000 ang monthly amortization ng aktor.

SEEN: Hindi na natuto si Aiza Seguerra sa naging karanasan niya kay Senator Tito Sotto. Imbes na kausapin nang diretso si President Rodrigo Duterte, ginamit ni Aiza ang social media sa kanyang pakiusap na itigil na ng pangulo ang mga rape joke.

SCENE: Halata ang age difference nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa mga promo guesting nila para sa My Love from the Star. Nine years older si Jennylyn kay Gil.

SEEN: Hindi binanggit ni Gerald Anderson ang pangalan ni Maja Salvador sa presscon kahapon ng Can We Still Be Friends ng Star Cinema nang tanungin siya tungkol sa mga ex-girlfriend niya.

SCENE: Si Prime Cruz ang direktor ng Can We Still Be Friends? Si Cruz ang direktor ng Sleepless, Ang Manananggal sa Unit 23 B at ang short film na Kung ang Ulan ay Gawa sa Tsokolate.

Show comments