Ka-sweetang nina Paulo at GF nag-viral!

Pareho ng tipo ng babae sina Jake Cuenca at Paulo Avelino dahil si Jake, nagkaroon ng ex-girlfriend na Fil-Austra­lian, ang reigning Bb. Pilipinas Supranational na si Chanel Olive Thomas.

Ang GF naman ni Paulo ngayon ay Fil-Aussie rin at isang model. Siya ay si Jodie Elizabeth Tarasek at viral ang pictures nila na very sweet. ‘Yung isang picture na nag-viral, nakaupo pa sa lap ni Paulo ang GF.

Hindi pagdududahang mag-on ang dalawa dahil nga sa nag-viral nilang pictures na laging magkadikit. Si Paulo ang isa sa taga-showbiz na ayaw pag-usapan at tahimik pagdating sa kanyang love life. Tiyak, ngingitian lang nito ang magtatanong kung ano niya si Jodie Elizabeth Tarasek.

Incidentally, nagsimula nang mag-shooting si Paulo ng Goyo: Ang Batang Heneral (Gregorio del Pilar) sa direction ni Jerrold Tarog at produced ng TBA Studios, the same production and director ng Heneral Luna. 

Heart at Chynna pinag-aaway

Pag-aawayin pa yata nang gumawa ng parody account ni Chynna Ortaleza sa Twitter ang aktres at si Heart Evangelista. Nag-tweet kasi ang parody account ni Chynna ng “Dear Alwina why so pabebe?” Ang tinukoy sa tweet ay si Heart na gumaganap na Alwina sa Mulawin vs. Ravena.

Pati ang fans ng da­lawa ay gustong pag-awa­yin ng may-ari ng parody account at kung sakali, kawawa si Chynna. Mabuti at hindi naniwala ang fans ni Heart na magtu-tweet ng ganu’n si Chynna.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng pilot week ng Mulawin vs. Ravena o ‘yung may na-miss na episode, mapapanood ninyo ang pilot week this Sunday, 3:30pm.

Mamayang 4:00pm., may mall show naman sina Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kiko Estrada at Dennis Trillo sa SM Lucena City.

Sleepless nadagdagan ng mga sinehan

Nagdagdag ng screening sa SM North Edsa ang Sleepless, kaya sa halip na two screenings in a day, magiging three screenings na ang pelikulang tampok sina Glaiza de Castro at Dominic Roco sa direction ni Prime Cruz.

Puno ng tao ang SM Megamall sa celebrity premiere at marami ring tao sa mga unang araw ng showing nito. May special treat din sa moviegoers ang The IdeaFirst Company nina directors Jun Lana at Perci Intalan. From May 26 to June 1, P120 lang ang tiket para mapanood ang Sleepless.

Bukod sa mga producer at director, siguradong masaya sina Glaiza at Dominic na marami ang nanonood at nagustuhan ang kanilang pelikula. To think na tinamad pa noong una si Glaiza na basahin ang script dahil nagti-taping pa siya ng Encantadia that time.

Imelda may pang-budget  na sa KAPPT

Nanalo si Imelda Papin ng P80,000 sa Eat Bulaga kahapon at tuwang-tuwa ito na may pandagdag na siyang budget para sa first project ng Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT). Kahit hindi humingi ng talent fee ang mga artistang nag-volunteer na mag-perform sa concert, kailangan pa rin ni Imelda ng pera.

Gaganapin sa Skydome sa SM North Edsa sa June 3 ang A Night with the Stars na so far, may 30 confirmed performers at marami pa ang nagbu-volunteer. Ang beneficiary ng concert ay ang senior citizens members ng KAPPT, ‘yung mga hindi na kayang magtrabaho o kaya’y wala nang kumukuha sa TV at pelikula.

Ang daming plano ni Imelda sa KAPPT, kabilang ang pagtatayo ng cooperative at masaya nitong in-announce na ‘yung mga hindi active members ng KAPPT ay sumusuporta sa mga project niya.

“I cannot do this alone. I need all the help from the showbiz people,” pahayag ni Imelda na pinalakpakan ng members na present sa presscon.

Show comments