^

PSN Showbiz

Premiere night ng pelikula ni AiAi puro tawanan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dalawang presscon ang hindi ko napuntahan kahapon dahil priority ko ang birthday treat ni Mother Lily Monteverde para sa amin ni Papa Ricky Lo sa Gloria Maris, ang favorite Chinese restaurant niya sa Greenhills, San Juan City.

Lunch ang imbitasyon ni Mother pero 9:30 a.m. pa lang, nasa Greenhills na ako kaya naabutan ko pa ang breakfast ng Gloria Maris.

Marami kaming napagkuwentuhan ni Mother at ng mga invited guest pero off the record ang karamihan.

Masaya si Mother dahil positive ang mga feedback sa Our Mighty Yaya, ang Mother’s Day presentation ng movie outfit niya, ang Regal Entertainment, Inc. Showing ngayon sa cinemas nationwide ang pelikula na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas.

Happy si Mother dahil tagumpay ang premiere night ng Our Mighty Yaya sa SM Megamall Cinema noong Lunes. Feel na feel ni Mother na magugustuhan ng masa ang pelikula ni AiAi, base sa reaksyon ng audience na tawanan nang tawanan.

Iya at Drew tuloy sa pagtuturo ng pagluluto

Ang mga presscon ng Season 3 ng Home Foodie ng San Miguel Purefoods at ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ang hindi ko nasipot kahapon dahil sa lunch treat ni Mother Lily.

Mapapanood pa rin sa GMA-7, pagkatapos ng Unang Hirit ang Season 3 ng Home Foodie.

Ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania ang mga host ng Home Foodie at makakasama nila ang San Miguel Purefoods Celebrity Chefs na sina Llena Tan-Arenas, RJ Garcia, at Rene Ruz sa paghahain ng Madalicious Meals sa televiewers.

Masasarap na mga pagkain na madaling lutuin sa bahay ang ituturo nina Drew, Iya at ng celebrity chefs ng San Miguel Purefoods sa manonood.

Sa Lunes, May 15, ang pilot telecast ng cooking show nina Drew at Iya. Ipinagmamalaki ng mga celebrity chef ng Home Foodie na pantry-friendly at 4-step procedures lang ang mga pagkain na iluluto nila, gamit ang mga quality product ng San Miguel Pure Foods.

Maraming salamat nga pala kina Marian Domingo Antonio at Coleen dela Rea ng GMA Corporate Communications dahil nakarating sa akin ang mga ipinadala nila na impormasyon tungkol sa nagbabalik-telebisyon na cooking show nina Iya at Drew.

MMFF 2017 may mga bagong patakaran

Ngayong hapon, May 10, 5 p.m., ang deadline ng submission ng Letter of Intent ng mga movie producer na interesado na magsali ng pelikula nila sa Metro Manila Film Festival 2017.

Not later than 5 p.m. ang submission sa October 2, 2017 (early birds) ng finished film entries at ng ibang mga dokumento, kasama ang clippings at teaser. Hanggang sa October 30 ang submission ng finished film entries ng mga hindi makakaabot sa October deadline ng Executive Committee ng MMFF.

Nakatakda naman sa October 3 hanggang October 16 ang deliberation ng Selection Committee at sa November 17 ang announcement ng apat na official finished film entries at hanggang sa December 1 ang pagbibigay ng Php500,000 cash bond ng mga nangangarap na maging bahagi ang kanilang pelikula ng Magic 8 ng MMFF 2017.

 

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with