Anak ni Angelika ginagambala ng demonyo!

Ngayong Sabado (Mayo 6), handog ng top-rating drama anthology   na Magpakailanman ang isang makabuluhang kuwento ng pagdurusa, misteryo, at pananampalataya. Ang episode na ito na pinamagatang My Imaginary Friend ay pinangungunahan nina Gabby Eigenmann bilang Arthur at Angelika dela Cruz bilang Anna kasama sina Yuan Francisco bilang Juanlo, Rolli Inocencio bilang Father Aga, Kiel Rodriguez bilang Rudy, Ces Aldaba bilang Father Joseph, Rosemarie Sarita bilang Lulu, Antonette Garcia bilang Yaya Nora, Citadel Mariano bilang Yaya Myrna at Jude Paolo Diongson bilang Golok.

Mula pagkabata hanggang sa maging mag-asawa ay nagsisilbi na sa simbahan at tapat na Katoliko sina Anna at Arthur. Ngunit kung kailan nagkaroon sila ng anak ay saka sila nagduda kung totoo ba ang Diyos na sinasamba nila.

Ilang beses nalagay sa panganib ang buhay ng tatlong taong gulang nilang anak na si Juanlo. Inatake ito ng matitin­ding kombulsyon at sinundan pa ng magkaroon ito ng mga kakaibang marka sa katawan. Hindi kayang makita ni Anna na nahihirapan ang kanyang anak. Nagdala ito ng sama ng loob at matin­ding de­presyon kay Anna at hindi niya maintindihan kung paano ito hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanang anak.

Huli na nang malaman nilang si Juanlo pala ay ginagambala ng isang demonyo. Nagpakilala pa ito sa bata bilang Golok, na itinuring naman nitong kaibigan at kalaro.

Paano haharapin ni Anna ang sitwas­yong na hindi naman niya pinaniniwalaan? Kanino siya tatakbo ngayong tinalikuran na niya ang Diyos? Kailan niya magagawang buksan ang pag-iisip, magsisi at bumalik sa tinalikurang niyang pananampalataya?

Mula sa direksyon ni Gil Tejada Jr., huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Ma­naloto sa GMA.

Show comments