^

Tommy at Miho busy sa pagpo-promote ng break up!; Iza pakakasal na!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - May 6, 2017 - 12:00am

Seen: Tanga lang ang nagsasabi na may anak sa pagkadalaga si Ciara Sotto dahil ikinasal sila ng kanyang ex-husband na si Jojo Oconer. Sa mga nagkakalat ng tsismis na dalagang ina si Ciara, please do your homework.

Seen: Sinabi ni Iza Calzado sa guesting nito kahapons sa Magandang Buhay ng ABS-CBN na magpapakasal siya sa April 28, 2018 kung magpo-propose sa kanya ang boyfriend na si Ben Wintle.

Scene: Ang kaliwa’t kanan na guesting sa TV at radio programs ni former DENR Secretary Gina Lopez matapos i-reject ng Commission on Appointments ang appointment niya. Aminin man niya o hindi, apektado si Lopez sa nangyari.

Seen: Parehong aligaga sina Tommy Esguerra at Miho Nishida sa pagpo-promote ng break up nila na lalong magpapatamlay sa kanilang mga not so promising showbiz career.

Scene: Young Madame Auring si Yeng Constantino sa music video ng Dear Other Self. Si Yeng ang kumanta ng Alapaap, ang theme song ng pelikula nina Jodi Sta.Maria, Xian Lim at Joseph Marco.

Seen: Sa May 15 ang memorial service sa Glendale Forest Lawn  para sa veteran actor na si Romeo Vasquez na pumanaw noong  May 2 sa Los Angeles, California,

Seen: Si Boy Abunda ang peg ni Michael de Mesa sa television host role nito sa Bliss, ang strictly for adults only movie ni Iza Calzado.

CIARA SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with