Camille at mister natupad ang wish!
Camille Prats at VJ Yambao
Camille at mister natupad ang wish!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2017 - 6:47pm

Girl ang magiging panganay ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats at ng kanyang (second) husband na si VJ Yambao.

Ang mag-asawang Camille at VJ ay parehong may tig-isang anak na lalake sa kanilang past relationships. Si Camille ay may Nathan sa kanyang namayapang unang asawa na si Anthony Linsa­ngan habang si VJ naman ay may isa ring anak, si Ice sa una nitong nakarelasyon.

Natutuwa ang mag-asawang Camille at VJ dahil nagkaroon kaagad ng ins­tant bonding  ang step-brothers at parehong excited sa kanilang papalabas na kapatid.

Nung una ay parehong nag-worry sina Camille at VJ kung paano nila ipapaliwanag sa mga bata ang sitwasyon pero nagpalasamat sila na hindi sila  nahirapan at nag-bond kaagad bilang `magkapatid’.

Kung ang mag-asawang Camille at VJ lamang ang masusunod, gusto nilang maging baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ni Camille.

Sina Camille at VJ ay ikinasal last January 7, 2017 at bago magtapos ang taon ay meron na silang baby.

Camille at John tambak ang mga negosyo

Napaka-suwerte ng magkapatid na Camille at John Prats sa pagkakaroon ng mga magulang na parehong masipag, hands-on parents sa kanilang mga anak at marunong mag-negosyo.

Kapag dumating ang panahon na hindi na gaanong busy sina John at Camille sa kanilang respective showbiz career, hindi magkaka-problema ang magkapatid dahil sila man ay may sarili na ring mga negosyo na itinayo para sa kanila ng kanilang mga magulang na sina Dondie at Alma Prats.

Marami ang negosyo ng pamilya Prats, bukod sa advertising (na siyang expertise ni Dondie), pinasok na rin nila ang construction business, paupahang building, school, running their own resort (in Balete, Batangas) at iba pa.  Dahil sa paparami nilang negosyo, tumutulong sa mag-asawa ang kanilang mga anak.

CAMILLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with