AiAi iniluluwa ‘pag nakakakain ng may chemicals!

MANILA, Philippines - Nakakabilib ang healthy lifestyle ni AiAi delas Alas.

Kahit saan siya pumunta, may bitbit itong organic food na kinakain niya all the time.

Like noong nagpa-thanksgiving presscon siya para sa pagkakapanalo niyang Best Female Actor sa 7th Queens World Film Festival in Astor, Queens, New York last March 19, kumakain siya ng brown rice na lugaw and parang vegetable taco nang datnan namin. May kasama ring peanuts. At lahat ‘yun, organic, and all natural. Wala kahit anong chemicals, hormones, antibiotics etc., etc.

Kaya naman ang ganda ng katawan ni AiAi. Maganda ang pagpayat niya at alam mong healthy at hindi dumaan sa kahit na anong artificial method.

Sa household nila, siya ang faithful sa mga organic product.

Mula sa tubig, juices, kanin, gulay, at iba pa. Maging ang junk food in case na nag-crave siya ay sa isang store na lahat all natural ang binibenta siya bumibili.

What if natakam siya at may nakitang masarap na pagkain like nasa isang party siya?

“Titikim ako pero iluluwa ko rin. Parang tumikim lang ako,” tsika ni Ms. AiAi.

Anyway, abala rin ang actress/comedy queen sa pagna-nanay sa tatlong puppy ng alaga niyang aso na namatay sa panganganak. “Parang ako na talaga ang nanay. Namatay nga kasi ang mother so talagang ako na ang nag-aasikaso.”

Sobrang nakakagigil ang mga nasabing puppy na pulos white na makikita sa kanyang social media accounts.

After ng pelikulang Area na nagbigay sa kanya ng international recognition, ipalalabas sa May ang Mighty Yaya, ang comeback movie niya sa Regal Films.

At sa July, ang movie sa Star Cinema ang kanyang pagkakaabalahan. In a way ay comeback din niya ito sa film arm ng ABS-CBN kung saan naman niya ginawa ang Tanging Ina series na nag-akyat ng malaking kita sa nasabing movie outfit.

Wala pa siyang idea kung sino ang makakasama niya at kung isasali nila ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF). “Tinanong na ako ni Ma’am Malou Santos. Sabi ko kayo na lang po ang bahala,” kuwento ni Ms. AiAi.

Pero walang nabanggit si AiAi kung ang pagbabalik niya ba sa Star Cinema ang sign na babalik na rin siya sa Kapamilya Network.

Maine hirap at naiilang pa ring umarte!

Wow. Kakaibang Maine Mendoza ang mapapanood  sa Prinsesa, isa sa anim na episodes ng Eat Bulaga Lenten Special ngayong taon.

Sa Prinsesa, gagampanan ni Maine si Mayang, isang professional na pickpocket na makikipagkaibigan sa isang batang tuturuan siya ng kahalagahan ng pamilya at pagpapatawad. Makakasama ni Maine rito sina Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon, Anjo Yllana, Tommy Penaflor, at Joel Palencia.

 “Snatcher ako. Prinsesa ng lansangan ba kung tawagin. Tapos, hindi ko kasi nakasama ‘yung pamilya ko rito at lumaki ako na ganun ‘yung ginagawa kong trabaho,” kwento ni Maine.

Isang hamon at privilege para kay Maine ang magampanan ang role na ito. Kilala bilang magaling na komed­yante, ngayon lang gaganap si Maine ng karakter na hindi masiyahin at kikay.

“Isa ito sa mga kakaibang character ko na nagawa ko, ever. Si Mayang kasi, very serious. Med­yo siga. So nahirapan din ako na mag-adjust sa ganung character,” sabi pa ni Maine.

Hindi na baguhan sa aktingan si Maine. Bukod sa pagiging host ng Eat Bulaga, napatunayan na niya ang kanyang galing sa mga pelikulang Imagine You and Me at My Bebe Love #KiligPaMore. Sanay na rin siya sa iyakan dahil sa kanyang GMA primetime soap opera na Destined to be Yours.

Pero ang role ni Mayang ang pinakamahirap na karakter na nagampanan niya ayon pa kay Maine.

“Yung persona ko as Maine Mendoza, malayo sa character ko. Si Mayang, galit lagi sa mundo. Meron din naman siyang sympathy sa tao, kailangan lang kunin ‘yung kiliti sa puso. Doon lang kami nagkakapareho ni Mayang,” wika ni Maine.

“Most of my roles are happy lang na babae na optimist. Alam naman ng mga tao na most of my roles ay medyo happy-happy lang. Pabebe. Pero dito, iba ako. Parang mas kailangan dito ng acting since hindi naman ako ganun talaga as a person,” dagdag pa niya.

Inaamin ni Maine na hindi pa siya masyadong adjusted bilang aktres. “Nahihirapan pa rin ako, kailangan ko pa rin ng tulong ng acting coach and directors. May adjustments pa rin, naiilang pa rin ako kapag umaarte.”

Pero dagdag niya, ginagawa niya ang lahat para mapatunayan na may ibubuga siya sa larangan ng pag-arte. “I just let it flow. Ang ginagawa ko talaga is I focus sa work ko and sa script. I really take it seriously para maka-deliver ako ng maayos in terms of acting.”

Idinerehe ni Mike Tuviera, isa lamang ang Prin­sesa sa mga tampok na istorya sa Eat Bulaga Lenten Special.

 Tampok sina Alden Richards at Ryan Agoncillo sa Kapatid, isang kwento ng dalawang magkakapatid na matututunang mahalin ang isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakaiba. Kasama rito sina Ruby Rodriguez, Pia Guanio, at Jerald Napoles, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Gaganap na mag-ina sina Paolo Ballesteros at AiAi delas Alas sa Inay ni Jose Javier Reyes.

Pangugunahan naman nina Lorna Tolentino, Taki, at Kenneth Medrano ng Trops, at child sensation na si Baste ang Pagpapatawad, sa direksyon ni Gina Alajar.

Gaganap na pamilya sina Jose Manalo, Tito Sotto, Barbie Forteza, at Kim Last, Miggy Tolentino, at Jon Timmons ng Trops sa Mansyon. Kasama rin dito si Jake Ejercito, na nanalo ng Best New Male TV Personality award sa 2016 PMPC Awards for Television sa kanyang pagganap sa Eat Bulaga Lenten Special na God Gave Me You noong isang taon.

Pangungunahan naman nina Vic Sotto and Joey de Leon ang Kaibigan, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Mapapanood ang Eat Bulaga Lenten Special 2017 mula Lunes hanggang Miyerkules, April 10 – 12, sa GMA.                          

Show comments