Sandara karelasyon ng singer na si G-Dragon!

Kahit disban­ded na ang all-girl K-Pop group na 2NE1 kung saan kasama si Sandara Park, tuloy-tuloy pa rin ang magandang takbo ng kanyang career sa Korea.

Ang Korean singer-actress ay may bagong movie na nakatakdang i-release sa Korea ngayong April 6, ang One Step na siya mismo ang pangunahing bida. Bukod dito ay may bago siyang movie na gagawin, ang Cheese in the Trap.

Samantala, nababalita sa Korea na boyfriend na ni Sandara ang singer ng Big Bang Group na si G-Dragon.

Kiray naipakilala na

ang modelong BF sa pamilya!

Kung titingnan ang kanilang mga kilos, mukhang may espesyal nang namamagitan between young comedienne Kiray Celis (4’11”) at ang modelong si Kirst Viray (from Pangasinan) na may taas na 5’11”.

Kasama ni Kiray si Kirst sa recently-concluded MYX Awards na ginanap sa Kia Theatre. Doon pa lamang ay kitang-kita na sa dala­   wa ang kanilang special bond na madalas makakuha ng attention sa mga taong naroon.

Madalas umanong makitang magkasama ang dalawa na unang nagkakilala sa set ng pelikulang pinamahalaan ni Brillante Mendoza. Since then ay halos inseparable na ang dalawa na nakita ring magka-date nu’ng Valentine’s day.

Naipakilala na umano ni Kiray si Kirst sa kanyang pamilya at masayang-masaya ang batang komedyana sa special attention na ibinibigay sa kanya ng hunk model.

Wala ring pakialam si Kiray kung anuman ang opinion ng iba tungkol sa kanila ni Kirst.

Loisa pinasisikat

Mukhang ang ex-PBB: All In graduate na si Loisa Andalio ang isa sa pinagtutuunan ng pansin ng ABS-CBN dahil dalawang proyekto kaagad ang ibinigay sa kanya – ang pagiging bahagi ng My Dear Heart TV series at ang pagbibida ng summer special ng Wansapanataym: My Hair Lady kung saan niya katambal si Jameson Blake. Bukod kay Jameson ay nakatrabaho na rin ni Loisa sina Joshua Garcia, Ronnie Alonte, at Mark Oblea at tila hinahanapan siya kung kanino siya magki-click bilang ka-loveteam.

Matapos siyang lumabas ng PBB: All In in 2014, tuloy-tuloy din ang pagbibigay sa kanyang ng iba’t ibang assignments ng Kapamilya Network at naging bahagi rin siya ng ilang TV series tulad ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at ang Be My Lady.

Come April 21 ay mag-i-18 na si Loisa at isang kakaibang debut ang nakatakdang ibigay sa kanya ng Star Events, her first birthday concert na gaganapin sa Music Museum on April 29 kaya magkahalong excitement at nerbiyos ang kanyang nararamdaman ngayon pa lamang.

Show comments