Kathryn sa Palawan nag-birthday kasama si Daniel

Pagkatapos ng pelikulang Barcelona: A Love Untold na idinirek ni Olivia Lamasan nu’ng isang taon, balik-pelikula ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikulang Can’t Help Falling In Love na pinamamahalaan ni Mar Czarina Cruz-Alviar under Star Cinema which has an April 15 playdate.

Bukod kina Kathryn at Daniel, tampok din sa nasabing pelikula sina Matteo Guidicelli, Cherry Pie Picache, Lito Pimentel, Lotlot de Leon, Dennis Padilla, Devon Seron at iba pa.

Last weekend ay nag-celebrate si Kathryn ng kanyang ika-21st birthday sa Palawan kasama si Daniel with their friends.

Malapit na rin silang mapanood sa bago nilang TV series, ang La Luna Sangre na may koneksiyon sa Imortal na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin kung saan sila may special participation.

Annabelle at balaeng si Esther BFF na

Sumunod ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at anak nilang si Zion sa Switzerland. Nagkaroon man nang hindi pagkakaunawaan noon sina Annabelle at Esther Lahbati, nagkaayos na ang dalawa at magkakasama pa silang magbabakasyon sa Paris na mapapasama sa kanilang tumatakbong reality show on E! Channel, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez. Ibinalita rin ni Annabelle na magkakaroon umano ng proyekto sa bakuran ng Viva sina Richard at Sarah.

Bukod sa kanyang asawa’t mga anak, may bagong talent ngayon si Annabelle, ang seksing singer-dancer-actress na si Kara Mitzki na magkakaroon ng major concert sa Music Museum on April 8 with Michael Pangilinan na pinamagatang 56K with Kara and Khel kung saan special guests sina Vice Ganda, Tawag ng Tanghalan 2nd winner na si Sam Mangubat at si Duncan Ramos at iba pa. Si Kara ay co-managed ni Annabelle at ng Viva Artists Agency.

Show comments