^

Tom hindi natupad ang plano sa ama!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2017 - 12:00am

Nabasa namin sa Instagram (IG) account ni Popoy Caritativo ang pagpanaw ng ama ni Tom Rodriguez noong Sabado dahil sa lung cancer.

Kaya hindi makatanggap ng project si Tom dahil sa kalagayan ng ama. At kung matutuloy siya sa Mulawin vs. Ravena, wala siya sa storycon mamaya at hindi agad makakapag-taping.

Nanood pa ang ama ni Tom sa show nila nina Dennis Trillo, Lovi Poe, at Jennylyn Mercado sa Los Angeles a few months back. Bumiyahe ito from Yuma, Arizona with his family para mapanood si Tom.

Naalala namin, nabanggit ni Tom na nag-iipon siya para makabili ng bahay sa Subic dahil gusto ng ama niya na dito na manirahan.  

Maiksi ang comment ni Carla Abellana bilang pagkilala sa ama ni Tom. Sabi nito, “The strongest man I’ve known” at may kasamang litrato ni Mr. Mott.

Rocco aminadong inayawan si Arianne

Nabanggit ni Rocco Nacino na matagal niyang dinala ang break-up nila ni Lovi Poe at nagbiro pang na-trauma ito sa ex kaya ayaw muna niyang mag-GF. Inamin na rin nitong nag-date sila ni Arianne Bautista pero siya na ang umatras dahil that time, na-feel niyang hindi pa siya ready na magmahal.

Pero mukhang handa nang umibig muli si Rocco dahil may idine-date itong Fil-Australian model na ibi­nu­ko ni Joross Gamboa. Kita sa mga ngiti ni Rocco na kinikilig ito sa biro ni Joross.

Sabi ni Rocco, siya ang naki­pag-break kay Lovi nang maramdaman niyang hindi na maganda ang nangyayari sa relasyon nila. Hindi kaya mag-react nito si Lovi?

Sila naman ni Sanya Lopez ay close friends at magka-love team muna ngayon. Kaya lang, parang unfair kay Sanya ang sinabi ni Rocco na sana naririyan pa rin ang dalaga ‘pag ready na siyang umibig uli. Si Sanya kasi ay walang BF at walang nanliligaw, pero si Rocco ay may idine-date.

Inspirado si Rocco ngayon at ang daming nangyayari sa kanyang buhay.

Feng shui na lang ang kulang at sisimulan na ang construction ng four-storey at four to five-bedroom house nito sa Valley Golf.

Looking forward din si Rocco na makapasa sa audition ng isang indie film na isasali sa Sundance Film Festival na isu-shoot abroad.

Travel year din kay Rocco ang 2017 at magsisimula ito sa Singapore sa March 31 sa concert ng Coldplay. Sa May, may show sila ni Sanya sa Canada at babalik sila roon sa July for another show. Sa September, New York bound siya to watch Bruno Mars’ concert. In between his travel, tinatapos niya ang Masters Degree in Nursing sa St. Bernadette College of Valenzuela.

Fans ni Kate na-high blood!

Apektado ang Encantadiks sa last Friday episode ng Encantadia dahil magkasunod na ngang namatay sina Gilas (Jake Vargas) at Mira (Kate Valdez) at mamatay din yata si Lira (Mikee Quintos) nakuha pa ni Avria (Eula Valdes) ang tatlong brilyante ng mga Sang’gre.

Nawalan ng pag-asa ang Encantadiks na babalik pa ang karakter ni Kate dahil sa tweet nitong “I’M DEAD!” at sinundan ng post sa IG ng parang pamamaalam kay Mikee.

Pero dahil fantaserye ang Encantadia, lahat ay puwedeng mangyari at ang mga patay ay makakabalik. Kaya relax lang guys, bawal ma-high blood.

POPOY CARITATIVO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with