Geoff at gf iniisip nang pakasal!

Si Geoff Eigenmann na lamang ang walang asawa at sariling pamilya sa mga anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa. Ayon kay Geoff ay nae-enjoy niya ang mga pamangkin na anak ng mga kapatid na sina Ryan at AJ Eigenmann.

“Actually Tito Boy, medyo tinanggap ko na na magiging forever ako. Pero siyempre I still want my own but as of now medyo tinanggap ko na, na forever ako,” makahulugang pahayag ni Geoff.

Karelasyon ngayon ng binata ang singer na si Angeli Mae Flores o mas kilala bilang si Maya ng Migs and Maya. Tanggap na tanggap daw ng mga magulang ni Geoff ang dalaga bilang kasintahan ng aktor. “Yes, pareho silang boto. The whole family has already met her and I couldn’t be happier, gustung-gusto siya. My mom really enjoys her company,” pagbabahagi ni Geoff.

Kahit nagkahiwalay ang mga magulang ay naniniwala pa rin si Geoff na importante ang kasal at napag-uusapan na raw nila ng kasintahan ang tungkol dito. “We’re not getting any younger. We’ve been together for over a year now. And yes, napag-uusapan na namin but nothing’s concrete. Ang ano lang sa amin ngayon, we’re very happy. We’re happy with the direction of our relationship,” pagtatapat ng aktor.

Jon ng hashtags katabi pa rin ang mommy sa pagtulog

Aminadong ‘mama’s boy’ ang miyembro ng Hashtags na si Jon Lucas. Sobrang lapit daw ng binata sa ina at ‘Baby Boy’ pa rin ang tawag nito sa kanya hanggang ngayon. “Sa totoong buhay po mama’s boy talaga ako. Sobrang close na close ako sa nanay ko.  Baby Boy nga po ang tawag niya sa akin kahit ganito na ang edad ko na 21 na po ako. Sa harap ng maraming tao, Baby Boy pa rin ang tawag niya sa akin. So nakasanayan ko na ‘yon hanggang ngayon,” kwento ni Jon.

Hindi raw nakararamdam ng pagkailang ang baguhang aktor kapag tinatawag siyang ‘Baby Boy’ ng ina. “Sa totoo lang, sobrang daming naiinggit sa akin. Para sa akin sobrang sweet po talaga no’n. Ibang closeness po,” dagdag ni Jon.

Ayon sa aktor ay katabi rin niya sa pagtulog hanggang ngayon ang ina. “’Pag umuuwi po ako sa Cainta, isang room pa rin kami. Tapos gusto ko talagang katabi ‘yung mommy ko. Kahit na siguro yumaman kami o magkaroon ng sariling malaking bahay, mas gugustuhin ko pa rin na nasa isang kuwarto lang kami. Kasi nasanay na ako talaga na magkakatabi po kami habang lumalaki ako,” kwento pa ni Jon.

Show comments