Motorcycle Diaries Huling biyahe na

MANILA, Philippines - Sa loob ng anim na taon, maraming napuntahan si Jay Taruc sakay ng motorsiklo. Dinayo ng Motorcycle Diaries ang iba’t ibang lugar sa loob at labas ng Pilipinas para makapaghatid ng mga natatanging kuwento.

Ngayong Huwebes (March 16), babalikan ng Motorcycle Diaries ang mga hindi malilimutang paglalakbay ng programa.

Mula Pilipinas, Timog Silangang Asya hanggang sa Europa, samahan si Jay at ang mga tao sa likod ng programa na balikan ang kuwento ng mga taong nakilala nila na nagbigay ng inspirasyon at pag-asa. Muli ring tunghayan ang mga istoryang pumukaw sa kamalayan at tumatak sa isipan. 

Huwag bibitiw sa huling pag-arangkada ng Motorcycle Diaries ngayong Huwebes 10 p.m. sa GMA News TV.

Show comments