^

PSN Showbiz

PTV 4 pabo-bonggahin na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Tuloy na ang relaunching ng PTV4.

Mismong si Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar ang nagbanggit tungkol sa magaganap na pagbabago sa government network nang makatsika namin kahapon nina Nay Lolit Solis and Isah Red.

Magkakaroon sila ng mga programa na magpapakilala sa totoong pagkatao ng mga government official natin.

At hindi lang ang PTV 4 ang binabalak niyang ayusin at palakasin. Ganundin ang Radyo ng Bayan, Philippine Information Agency (PIA), at Philippine News Agency.

Nabanggit na rin sa naunang pahayag ni Sec. Andanar na ibabalik na nila sa dating Office of the Press Secretary ang pinamumunuan niyang ahensiya.

Ayon sa dating anchor ng TV 5, na-draft na ang executive order para sa pagbabalik sa OPS at signature na lang ni President Digong ang kailangan.

Anyway, cool na cool lang siya nang maka­tsika namin kahapon. Parang wala naman siyang pinagdaraanang mga isyu.

Common knowledge na nagkaroon ng reorganization sa PCOO.  Ayon sa interview ni Sec. Andanar last week, “Sabi ko, since si Spokes (Ernesto Abella) is the one talking and he’s the one managing the press briefing room, napag-usapan namin na it’s just rational for him to lead the content & messaging (aspect),” paliwanag niya.

Mas pleasant din siya in person. Sa TV kasi, parang ang strong ng dating niya at suplado. Pero makuwento siya at ok katsika.

Ate Vi walang tinatanggihang selfie sa congress

Walang tinatanggihang selfie o photo op si Batangas Cong. Vilma Santos kahit on going ang session sa Congress. “Nakakahiya naman kasing tumanggi dahil ‘yung iba galing pa sa probinsiya,” kuwento ng dating mayor at governor ng Batangas.

Yung iba kasi, mga barangay captain sa nasasakupan ng ibang mga katulad niyang congressman. Kaya hindi niya mahindian.

Samantala, hanggang sa Congress ay consistent ang kanyang Vilma­nians. Pumupunta ang fans niya sa Congress at nari-recognize na.

Nami-miss na rin ni Ate Vi ang showbiz kaya naman tinanggap niya ang pagiging member ng Exe­cutive Committee ng 2017 Metro Manila Film Festival. Inaasa­hang magkakaroon ng changes sa MMFF this year dahil sa pagsemplang ng filmfest noong 2016.
Pero sa kabila ng kaabalahan niya, may time pa siyang ma­nood ng mga pelikulang Tagalog. Sa DVD nga lang.

Sec. Gina puwedeng nang mag-senador

Grabe rin ang pinagdaanan ni Ms. Gina Lopez kahapon sa Commission on Appointment para ma­ging secretary siya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kaya nga sakaling hindi siya ma-appoint na ‘wag naman sanang mangyari, mag-senador na lang siya at tiyak mananalo na siya. Yan ay kung may balak siyang maging pulitiko.

Mararamdaman mo naman na nagmamalasakit lang siya sa kalikasan na pilit na hinaharang ng marami  pero kung tutuusin naman ay puwedeng hindi na siya magtiyaga sa DENR lalo na nga’t pinahihirapan siyang maka-puwesto.

 

 

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with