^

PSN Showbiz

Pagsuot ng swimsuit ‘di dapat gawing big deal

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Panay ang paglabas ng mga larawan ng mga artistang babae na naka-swimwear. Pinagpipistahan sila’t pinag-uusapan sa social media dahil sa two-piece swimsuit. Hindi ko lang malaman kung ano ang big deal dito dahil ordinaryong pampaligo lamang naman ang mga isinuot nina Janine Gutierrez, Joyce Ching, Nadine Lustre, at Barbie Forteza.

Bigla na lang pinagkakaguluhan at dyina-justify ang pagsusuot nila ng bikini na parang isang kasalanan.

Ang nakakagulat ay kung wala silang mga suot, at kung naka-bikini nga sila pero wala namang korte ang mga katawan.

Sorry ni Andi kay Albie hinihintay pa rin

Wala sigurong pagpapatawaran na magaganap sa pagitan nina Andi Eigenmann at Albie Casiño kahit lumabas na ang katotohanang hindi ang binata ang ama ng anak ni Andi na si Ellie kundi si Jake Ejercito, anak naman nina Erap Estrada at Laarni Enriquez.

Hindi naman masisisi si Albie kung hanggang ngayon ay may sentimyento pa siya at hirap maka-move on dahil hindi lamang naman siya ang naapektuhan nang malaki sa isyu kundi ang buo niyang pamilya. Kahit na lumabas ang pagtatanggol sa kanya ng kanyang ina ay talagang hindi timigil ang mga basher sa pagbibintang kay Albie. Nakasama pa ang pagiging tahimik ni Andi sa isyu para patuloy na maniwala ang lahat sa “kasalanan” nito. Tahimik din at wala naging kontribusyon si Jake sa isyu kahit kayang-kaya niyang panindigan ang pagiging ama ng anak ni Andi. O baka huli na rin nang ma­patotohanan niya ang lahat?

Ngayon, ni makatrabaho si Andi ay ayaw ni Albie.

Tambalang ElNella kinarma nga ba?

Buti naman at kahit sa naging mabilis na pagtatapos ng unang serye na pinagsamahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona na Born for You ay nakatakda nilang gawin ang second series nila para sa Dreamscape ng ABS-CBN.

In fairness sa magkapareha, maganda naman ang unang pagtatambal nila dahil may dalang kilig sa mga manonood. Nakapagtataka lamang kung bakit naging matamlay ang pagtanggap sa kanila ng mga manonood. Sana makabawi na ang dalawa sa kanilang next project para hindi masabing kinakarma ang tambalan sa ginawang pag-iwan ni Elmo kay Janine Gutierrez.

Kiko hinayang na hinayang kay Barbie

Pakiramdam ng marami ay hinayang na hina­yang si Kiko Estrada sa naging paghihiwalay nila ni Barbie Forteza. Maikli lamang ang itinagal ng kanilang relasyon na si Barbie ang tumapos dahil sa kawalan ng binata ng panahon sa young actress.

Nagtataka lang ang marami kung ano ang pimi­pigil sa kanya para balikan at ligawan muli ito. O baka naman mas malala pa ang problema niya ngayon sa kakulangan ng panahon para sa lovelife. Kung ito pa rin ang problema niya, tama lang na huwag muna siyang makipag-relasyon. Pero kung gusto niyang amuin uli si Barbie, wala namang pumipigil sa kanya. Single pa rin naman ito.

JANINE GUTIERREZ

JOYCE CHING

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with