Dahil sa kamaldituhan, aktor hindi na pinagkakaguluhan!

Impossible dream na hindi naramdaman ng malditong aktor na dahan-dahan nang kumukupas ang popularidad niya dahil hindi na siya pinagkakaguluhan ng fans.

May isang insidente na nangyari kamakailan na naloka ang mga piping saksi dahil nakita niya ang pagpasok ng aktor sa lobby ng isang building na maraming tao pero dedma sa kanya ang madlang-bayan.

Sikat na sikat ang aktor kaya imposible na hindi siya namukhaan at hindi na-feel ang kanyang presence.

Puwedeng na-intimidate sa aktor ang mga tao o alam na nila na maldito siya sa tunay na buhay.

Bago nangyari ang pangdededma sa aktor, may another incident na pumasok siya sa elevator at dahil nakilala siya ng ibang mga pasahero, naglambing sila ng photo op. Imbes na pagbigyan ang hiling, buong ningning na tumalikod ang malditong aktor na mabilis na nalunod sa isang basong tubig at lumaki ang ulo.

Sen. De Lima bagong lifestyle na, pinayuhan ni Bong na lakasan ang pananalig

May another message si Bong Revilla, Jr. para sa bagong kakosa nila ni Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center, none other than Senator Leila de Lima.

Kahit magkahiwalay ang kanilang mga detention cell, tiyak na makararating kay De Lima ang encouraging message sa kanya ni Bong na “Senator De Lima, you should welcome this development as an opportunity to face the serious allegations against you in the proper forum.

“Be strong and hold on to your faith. It is the only thing that keeps me going everyday while in detention. God has a way of meting out His Divine Justice.”

Magiging unforgettable na kay De Lima ang People Power EDSA Revolution dahil bisperas ng anibersaryo nito nang arestuhin siya sa Philippine Senate at ikulong sa Camp Crame.

Walang VIP treatment kay De Lima dahil ipinagbawal na gumamit siya ng laptop, cellphone at ibang mga communication gadget.

At dahil nakakulong na si De Lima, mababawasan hanggang unti-unti na mawala ang media exposure niya dahil bawal na mainterbyu siya.

I’m sure, maninibago si De Lima sa bagong lifestyle niya, lalupa’t nasanay na siya na humaharap at nagpapainterbyu sa mga miyembro ng media.

Alden at Maine kinukuyog ng fans sa taping

Bukas na ang worldwide premiere ng Destined to be Yours, ang pinakaabangan na first primetime teleserye ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mapapanood ang Destined to be Yours pagkatapos ng Encantadia.

May pangako ang fans ng AlDub na maaga silang uuwi bukas sa kanilang mga bahay para maabutan ang pilot telecast ng Destined to be Yours na isang feel good teleserye na puwedeng-puwede na panoorin ng mga bagets, kahit walang involved na mga special effect.

Simple pero kakaiba ang kuwento ng Destined to be Yours na papakiligin ang mga hopeless romantic.

Sa malayong lugar ng Dolores, Quezon ang taping ng cast ng Destined to be Yours pero kahit liblib na lugar ang location, mabilis na kumalat ang balita tungkol sa presence nina Alden at Maine.

Dinarayo ng fans ang taping ng Destined to be Yours sa Dolores pero hindi naman sila unruly kaya hindi sagabal sa taping ang pagtambay nila sa set para makita nang personal sina Alden at Maine, pati na ang ibang mga artista ng bagong primetime teleserye ng Kapuso Network.

 

Show comments