Toni enjoy pa sa pagpapa-suso!; Nadine at James binigyan ng break!

PIK: Bilang isang ina, natutuwa si Toni Gonzaga sa ginawa ni Mariel Rodriguez na nag-donate ng breast milk para sa Baby Alexandria ni Rufa Mae Quinto.

Sabi ni Toni, ganun daw talaga pagkatapos manganak, hindi agad lumalabas ang gatas, pero pagkalipas ng ilang araw, okay na okay na ‘yun.

Na-enjoy nang husto ni Toni ang pagpapa-breastfeed kaya hanggang ngayon ay gatas pa rin niya ang ibinibigay kay Baby Seve.

PAK: Parang kinikilig pa si Nadine Lustre nang tanungin siya sa first anniversary celebration nila ni James Reid. Nag-Japan sila last February 11 sa mismong anibersaryo nilang dalawa at nagulat daw na naka-isang taon na pala ang kanilang relas­yon. Nag-mature na nga raw sila.

“I’m really happy because we’ve suddenly grown. Parehas kami, we’ve grown so much,” pakli ni Nadine.

Nag-enjoy daw sila ng bakasyon sa Japan dahil binigyan sila ng break ng Viva. Kaya hindi raw totoong namimili siya ng trabaho dahil gusto muna niyang magpahinga.

“Viva is giving us a break din. Medyo sunud-sunod kasi ang work. Viva gave us a break,” pahayag ni Nadine.

Hindi rin daw totoo ang intriga na aalis na siya sa poder ng Viva. “It’s not true. I love my Viva family,” mabilis na sagot ng Kapamilya young actress.

BOOM: Diretso ang sagot ni Albie Casiño na wala raw talaga siyang naramdaman o ‘yung tinatawag na lukso ng dugo sa anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

“Wala talaga.

“’Yung lukso ng dugo, wala talaga.

“Nakakalimutan ko nga eh.

“Even before pa ako na-vindicate, nakakalimutan ko na siya. Hindi talaga siya pumapasok sa utak ko,” diretsong sagot ng young actor na isa sa mga bida sa pelikulang Pwera Usog ng Regal Films.

Kaya napapagod na raw siya sa kasasagot ng tungkol sa isyu nila ni Andi dahil sobrang naka-move on na sila. Nagkita nga raw silang dalawa sa isang event at okay daw sila.

“Being civil is different from being okay. I’m just a civil person,” safe na sagot ng aktor.

Showing na sa March 8 ang Pwera Usog.

 

Show comments