Jackie Chan na-master ang pagtalon sa tumatakbong tren
(Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Noong 1941, ang Tsina ay nasa ilalim ng pamumuno ng Japan. Sa action-comedy Railroad Tigers, isang grupo ng mga manggagawa ang buong tapang na lumaban sa mga mananakop.

Gaganap si Jackie Chan bilang si Ma Yuan na isang pahinante sa tren. Kasama ng mga kapwa niya pahinante, sasalakayin nila ang mga sundalong Hapon sa tren at magnanakaw ng mga pagkain para ibigay sa mga nagugutom nilang kababayan. 

Dahil wala silang armas, nagkakasya na lang sila sa mga sari-saring bagay tulad ng martilyo, pala, tubo at iba pang makikita sa kanilang trabaho. Hanggang isang araw, silang mga “freedom fighters” ay nagkaroon ng isang misyon na maaari nilang ikamatay. Kailangan nilang pasabugin ang isang tulay na maski ang mismong Eighth Route Army ng National Revolutionary Army ay hindi magawang pasabugin.

Ayon kay Direk Ding Sheng, kahit tawaging “war movie” ang pelikulang ito, hindi naman sobrang madugo ang mga fight scenes. 

Ilan sa mga co-stars ni Jackie Chan ay ang rapper na si Huang Zitao, TV idol Wang Kai mula sa critically acclaimed historical drama na All Quiet in Peking, at ang Taiwanese actor and model na si Darren Wang, na mas nakilala sa pelikulang Our Times. Nakuha ni Wang ang papel na sundalo dahil sa rekomendasyon ng aktor na si Andy Lau, na may kaabang-abang ding papel sa pelikula.

Ang pagsasama-sama ng tatlong gwapong artistang nabanggit ay naging usap-usapan sa media. Pero hindi lang sila angat sa kagwapuhan, lahat ay marunong din sa martial arts ayon kay Direk Sheng. 

Sa oras na umandar na ang tren, hindi pwedeng basta na lang itong ipreno. Kahit ang mga beteranong martial artist ay takot rin sa mabilis na tren, kaya talagang pinilit ng direktor na karapat-dapat sa papel at mahusay sa martial arts ang mga kasama sa cast.

Kwento nina Jackie Chan at Ding Sheng na lahat ay gustong makita silang inaakyat ang tren, pero hindi naman bigla na lang silang tatakbo at tatalon doon, kaya para magawa ang ganong eksena, gumamit sila ng skateboard, slide, at bamboo pole. Siniguradong ang mga stunt ay ligtas na nagawa.  

Ang crew ay binuo ng mahigit sa isang libong katao. Isang buong train station ang inayos para sa pelikula.

Pinuri ang Railroad Tigers dahil sa aspetong comedy at mga effects nito. Isang nakapanood ang nagsabing, “The jokes are funny, the explosions are amazing and there’s not a dull moment.”

Mula sa Viva International Pictures at MVP Entertainment, mapapanood ang Railroad Tigers simula February 22.

JACKIE CHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with