Yassi sinusuwerte!

Swerte nang naituturing nang mapatungan ni Yassi Pressman ang role ni Maja Salvador bilang leading lady ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano (AP).

Ang dapat sana ay isang guest role lang na tulad nang ginagampanann ng maraming artistang babae na kinukuha para sa serye ay nag-extend na at uma­bot na sa tila book 2 ng patuloy na humahabang serye. And it seems the Viva artist has long way to go sa palabas na ipinagpalit niya sa reality show na Pinoy Big Brother. Hindi naman sila nagkamali ng desisyon sa pag-iwan sa PBB dahil wala siyang kalaban sa AP, katunayan binigyan pa siya ng ka-love triangle sa show sa katauhan ni Sam Pinto.

At marahil ay kahangganan na ng kanyang swerte kung totoo ngang nakuha na niya kay Angel Locsin ang role bilang Darna at ang kasamahan niya sa AP na si Onyok Pineda rin daw ang gaganap na sidekick niya bilang si Ding.

Shaina hindi pa tumitibok ang puso sa iba

Obvious na hindi si Piolo Pascual ang right guy para kay Shaina Magdayao na hanggang ngayon ay hindi pa nakakakuha ng kapalit ni John Lloyd Cruz. Marami namang pwedeng pumalit sa kanyang nakahiwalayang artista pero, hindi tumitibok ang kanyang puso para sa kanila. Naniniwala siya na darating ang tamang lalaki para sa kanya.

Meron naman siyang trabaho na mapagbubuhusan ng panahon. Kita mo nga at nakakita pa siya ng role sa isang international movie na worth her wait. Piolo will always be her friend, andun ito during the tumultuous moment in her life, and she will always be grateful pero, never niyang naisip na magi­ging sila.

Maganda ang ibinabadya ng trailer ng The Better Half, ang serye na kasama siya at mapapanood sa slot na babakantehin ng Doble Kara. Ngayon pa lamang ay excited na ang manonood na malaman kung bakit kasalanan niya ang umibig sa kanyang asawa. Bakit nga ba, Shaina?

Elmo inalat nang maging single

Nakapagtataka ba na nabura na ang friendship sa pagitan nina El­mo Ma­galona at Janine Gutier­rez? Karamihan sa mga naghihiwalay na pareha ay nagiging magkaaway. Ma­buti naman at sa kawalan niya ng lovelife ay mas gu­manda ang career ni Janine. Nakakapag-focus na kasi siya at mas na­ging mata­pang sa kanyang trabaho. Ginulat niya ang marami nang magpasya siyang maging sexy sa pagbibilad ng kanyang katawan na ikinalugod naman ng mara­ming kinakagat ang kanyang pagiging daring. Maaari pa rin niyang mapantayan ang kaga­lingan ng kanyang mga kamag-anak sa ganda ng mga proyekto na dumara­ting sa kanya, tulad ng Legally Blind na susunod niyang serye sa GMA.

Samantalang si Elmo ay parang inaalat ngayon. Hindi nagtagal ang una nilang sabak ni Janella Salvador sa TV. Mukha ring hindi boto ang ina ni Janella sa panliligaw niya rito. Pero, kailangan niyang maging matatag. Kailangan niyang ipaglaban ang kanilang tambalan dahil kung wala si Janella, mahihirapan siyang magkaro’n ng karera sa nilipatan niyang network.

Cesar nakakakuha ng simpatya sa pananahimik

Mas makakakuha nga ng simpatiya sa tao si Cesar Montano kung ipagpapatuloy na lamang ang kanyang pananahimik. Maa­ring tanggapin ito ng tao bilang pagtanggap sa kanyang ‘kasalanan’ na ipinupukol sa kanya ng anak niyang si Diego Loyzaga pero, mas mabuti ngang mag-usap na lamang sila ng anak niya nang hindi nakikita at malayo sa kamalayan ng lahat.

Personal naman ang problema nila na hindi na kailangang pagpistahan ng tao. ‘Yun lang ang pagkakamali ni Diego na sa halip na makipag-showdown sa kanyang ama nang sila lang ay mas piniling maglinis ng kanilang dirty linen in public.

Show comments