Elmo palihim daw ang panliligaw kay Janella!
Elmo Magalona

Elmo palihim daw ang panliligaw kay Janella!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2017 - 10:21pm

MANILA, Philippines - Palihim daw ang ginagawang panliligaw ni Elmo Magalona kay Janella Salvador kaya galit na galit ang dating singer na si Janine Desiderio sa young actor.

Ito raw ang dahilan ng mga patutsada ng nanay ng Kapamilya young actress sa kanyang social media account last week.

Feeling daw ng dating singer ay walang respeto ang actor.

Actually, nabalita na noon na gusto na ngang ihiwalay si Janella sa actor dahil hindi nga pumatok ang loveteam nila sa isang teleserye.

Anyway, nanguna nga pala si Elmo at Popstar Royalty Sarah Geronimo sa mga nominado para sa ika-12 na MYX  Music Awards.

Nakakuha ito ng pitong nominasyon para sa mga kategoryang Favorite Music Video, Favorite Song, Favorite Artist, Favorite Male Artist, Favorite MYX Celebrity VJ, at Favorite Collaboration pati Favorite Media Soundtrack kung saan pareho niyang kasama ang loveteam partner na si Janella.

Si Sarah naman may limang (5) nominasyon sa mga kategoryang Favorite Music Video, Favorite Song, Favorite Artist, Favorite Female Artist. Ang kaniyang kantang The Great Unknown kasama ang bandang Hale ay nominado naman para sa Favorite Collaboration

Para bumoto, bumisita lamang sa  http://myxph.com/myxmusicawards/vote/. Maaa­ring bumoto ang fans sa isang araw gamit ang isang IP address per category each day.

Pepsi Herrera

Fashion Designer ng mga sikat, namaalam na!

Hindi makapaniwala ang maraming dinadamitan ng sikat na designer na si Pepsi Herrera na namaalam na ito. Cardiac arrest ang naging dahilan ng pamamaalam nito.

“I still cant believe it... im shocked... RIP Pepsi Herrera... love you always... always...,” sabi ni Kim Chiu na isa sa mga maraming binihisan ni Pepsi.

Suki ang mga gawa niyang gown sa Star Magic Ball kaya karamihan sa mga artistang sikat ng Kapamilya Network ay nagluluksa.

Bukod kay Kim, kasama sa mga naging suki niya sina Kris Aquino, Regine Velasquez, Julia Montes, Kathryn Bernardo, Alden Richards, Coleen Garcia at marami pang iba.                

JANINE DESIDERIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with