Meg Imperial
Meg payag uling paligaw kay JM
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2017 - 12:00am

Aminado si Meg Imperial na nasubukan na niyang mag-browse sa online dating app na katulad ng Tinder.

Maraming mga Pinoy ang gumagawa nito upang makahanap ng makakarelasyon na posibleng makasama rin sa habangbuhay. “I once tried Tinder, because of my sister, siya ‘yung nag-download ng app. So ako naman sige, curious ako, sinu-sino ba ‘yung mga taong sumasali sa mga ganung klaseng application. Merong one time, di ba ‘pag parehas kayong nag-swipe na parehas n’yong gusto ang profile picture or whatever, magkaka-chat kayo. So we did, pero hindi kami nag-meet. Takot ako sa meet up. Ang nakakatakot kasi is ang dami niyang common friends. So parang, ‘Oooops! Gumagamit siya ng app,’ So I deleted this agad, pero cute naman siya,” kuwento ni Meg.

May ilang mga payo ang aktres para sa mga kabataang mahilig gumamit ng mga online dating sites. “Hindi natin mapipigilan ‘yung mga kabataan na gumamit ng social app. So what we can do na lang is to give advice na mag-ingat sila in giving information socially. Kasi ‘yon ang delikado talaga. We need to advise them na mag-ingat always. Kasi ang dami na rin naman ngayong krimen regarding that,” giit ni Meg.

Samantala, matatandaang naugnay si Meg kay JM de Guzman at nanligaw daw ang aktor sa dalaga noon. Nagbabalik na ngayon sa pag-aartista si JM at posibleng ligawan muli nito si Meg. “Tingnan po natin kung ano, kasi ayoko namang sabihin na dahil nagbabalik siya eh ia-allow ko na lang. Siyempre mayroon pa rin tayong binabasehan na is he good for me or am I good for him as well? Magki-click ba talaga kami or baka naman madala lang kami ng tukso sa paligid namin,” paliwanag ng dalaga.

Jamie aminadong nabawasan ang raket nang tawaging Inspirational Diva

Ngayong taon ay ipinagdiriwang ni Jamie Rivera ang kanyang ika-tatlong dekada sa music industry. Bilang selebrasyon ay magkakaroon ng concert na may titulong All About Love ang singer na gaganapin sa February 13 sa Sofitel Philippine Plaza.

Ayon kay Jamie ay nalimitahan ang kanyang mga proyekto dahil sa pagkakabansag sa kanya bilang ‘The Inspirational Diva’. “Yes, somehow I’ve been put in a box for such a long time,” pahayag ni Jamie.

Nagpapasalamat naman ang singer dahil patuloy pa ring sinusuportahan ng tagahanga ang kanyang mga awitin. Mula sa pagkanta ng mga inspirational songs ay nakagawa rin ng isang advocacy song para sa bayan ang singer.

Noong isang taon ay napakinggan ang kantang Pag-isipan mo Ang Boto Mo na ginawa ni Jamie para sa 2016 National Elections. “Kailangan mong mag-reinvent. Walang ibang gagawa no’n sa ‘yo kung hindi sarili mo. Kasi ikaw ang may kilala sa sarili mo,” paliwanag ni Jamie.

MEG IMPERIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with