Donna Villa bibiyahe na pa-Cebu!

Kagabi ang cremation sa labi ng Golden Lions Films producer na si Donna Villa at ngayon dadalhin sa Cebu ang abo niya dahil ito ang kanyang bilin bago siya binawian ng buhay.

Marami pa rin ang hindi makapaniwala na sumakabilang-buhay na ang aktres at producer na itinutu­ring na tunay na Darling of the Press.

Ang Golden Lions Film Production nina Mama Donna at Papa Carlo J. Caparas ang nag-produce noon ng mga blockbuster na massacre movies.

Sila rin ang producer ng isinapelikula na life story ng former actress at rape victim na si Maggie dela Riva, ang The Maggie dela Riva Story (God...Why Me?). Si Papa Carlo ang sumulat ng kuwento at screenplay ng Maggie movie.

Si Dawn Zulueta ang gumanap na Maggie sa pelikula na pinilahan sa box-office nang magbukas sa mga sinehan noong July 13, 1994.

Tim Yap inalok ng kasal ang BF

Happy ako para kay Tim Yap dahil natagpuan na niya ang mhin na kanyang mamahalin, forever and ever.

Co-host ko si Tim sa defunct showbiz talk show na Tweetbiz kaya naging close siya sa akin.

Bihira na kaming magkita ni Tim mula nang mag-babu sa ere ang Tweetbiz noong February 2011 kaya hindi na ako updated sa mga nangyayari sa buhay niya.

Nabalitaan ko na lang na nag-propose siya sa mismong birthday niya sa kanyang boyfriend at business partner na si Javi Martinez Pardo. Nag-celebrate si Tim ng kanyang 40th birthday na naging memorable dahil engaged na sila ng dyowa niya.

Hintayin na lang natin ang ibang mga detalye tungkol sa same-sex marriage nina Tim at Javi. Knowing Tim, hindi niya ipagkakait sa fans ang magagandang nangyayari sa kanyang personal na buhay.

Pia love na love dahil sa pagiging confidently beautiful with a heart

Tuloy ang meet and greet ngayong umaga ng PLDT para kay Miss Universe Pia Wurtzbach at sa ibang mga kandidata ng 65th Miss Universe. Ang SMX Convention Center ang venue ng meet and greet na muntik nang maudlot dahil sa busy schedule ng mga kandidata at ni Pia.

Suportado ng PLDT ang lahat ng activities ni Pia na ambassador ng PLDT Home mula nang mag-win siya na Bb. Pilipinas Universe noong 2015. Bago siya sumabak sa Miss Universe noong December 2015, pumunta si Pia sa remote areas ng Mindanao para i-promote ang PLDT DSL.

Love na love si Pia ng PLDT Home big boss na si Gary Dujali dahil talagang confidently beautiful with a heart ang 3rd Pinay Miss Universe.

Relasyon nina Bela at dyowang movie produ, pinanghinayangan

Nalungkot ang close friends ni Bela Padilla at ng movie producer na si Neil Arce dahil sa paghihiwalay nila. Ang akala pa naman ng mga kaibigan ng dalawa, magtatagal at hahantong sa forever ang kanilang love affair pero hindi ito ang nangyari. Almost perfect pa naman ang relasyon nina Bela at Neil dahil nagkakatulungan sila. May mga contribution si Bela sa mga kuwento ng mga pelikula na ipino-produce ng movie company ni Neil.

Kahit puro tattoo sa katawan at parang bad boy ang image ni Neil, isa siya sa mga pinakamagalang at responsible young movie producer na nakilala ko. Marunong siya na tumupad sa mga pangako niya at ako ang makakapagpatunay.

 

Show comments