Die Beautiful tuloy ang ligaya sa takilya

SEEN : Binura ng Oro director na si Alvin Yapan ang kanyang Facebook post na Azucena nang lumaki at maging mainit ang kontrobersya ng pagpatay niya sa aso sa isang eksena ng pelikula niya.

SCENE: Nadagdagan ang silakbo ng galit ng mga tao dahil sa rebelasyon na dalawang aso, hindi lamang isa, ang pinatay para sa eksena ng Oro.

SEEN: Ang happy news ni Vhong Navarro na P8.8 million ang first day gross ng Mang Kepweng Returns at lumaban ito sa mga kasabayan na foreign movie.

SCENE: Kinumpirma ng mga producer ng Mang Kepweng Returns na may sequel ang pelikula ni Vhong Navarro, ang The Adventures of Mang Kepweng.

SEEN: Extended sa 60 cinemas nationwide ang showing ng Die Beautiful dahil pinipilahan pa rin ito sa mga sinehan.

SEEN: Willing si Coco Martin na magbida sa remake ng Batang Quiapo, ang pelikula nina Fernando Poe, Jr. at Maricel Soriano noong dekada ‘80  pero hihingin muna niya ang permiso ni Susan Roces, ang biyuda ng Hari ng Pelikulang Pilipino.

SCENE: Dalawang Tagalog horror movie ang magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa January 18, ang Darkroom ng Viva Films at Ilawod na tinatampukan nina Ian Veneracion at Iza Calzado.

 

Show comments