Alex mainit ang magiging Pasko

Alex Gonzaga

If there’s one person na masayang-masaya sa pagkakaroon ng unang pamangkin sa kanyang nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga-Soriano walang iba ‘yun kundi si Alex Gonzaga.

Nalungkot si Alex nang mag-asawa si Toni dahil nagkahiwalay silang magkapa­tid pero hindi ito nangangahulugan na hindi siya masaya sa pagkakaroon ng sariling pamilya ng ate.

Tiyak din namang masaya si Toni para sa nakababatang kapatid dahil nakatagpo na ito ng bagong inspiras­yon at bagong mamahalin sa katauhan ng showbiz guy na si Mikee Morada.

Tiyak na magiging masaya ang da­rating na Christmas ni Alex dahil meron na siyang Mikee na makakasama bukod sa kanyang pamilya.

Relasyon ni Bret kay Andi umabot ng isang taon

Hindi ikinakaila ng Fil-Am actor na si Bret Jackson na nabibigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang iba’t ibang magagaling na actor at director sa industriya.

Memorable umano sa kanya ang kanyang four weeks stint sa top-rating teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano dahil pawang mahuhusay na artista ang kanyang nakasama.

Sa cast party ng Darkroom na pinangungunahan ni Bret along with other Viva young talents na sina Ella Cruz, Jack Reid, Donallyn Bartolome, Samantha Capulong, AJ, at Andrew Muhlach, Rose Van Ginkel, at Caleb Santos, inamin sa amin ni Bret na umabot din ng halos isang taon ang na­ging relasyon nila ni Andi Eigenmann and he finds her a good person.

Sa kabila na nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon, inamin ni Bret na nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon ni Andi kaya wala umanong ilangan kapag sila’y magkatrabaho sa iba’t ibang proyekto either TV o pelikula.

Tinanong namin si Bret kung ano ang naging dahilan at nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“Purely because of work,” diin niya.

“We wanted to focus on our work,” paliwanag pa niya.

Puring-puri rin ni Brent ang pagiging driven at passionate ni Andi sa kanyang trabaho at hinahangaan niya nang husto in terms of acting ang mommy ni Andi na si Jaclyn Jose maging ang namayapang ama nitong si Mark Gil at iba pang kaanak tulad nina Cherrie Gil, Michael de Mesa, Sid Lucero, Gabby Eigenmann, at ipa ba.

Hindi rin issue kay Brent ang pagganap ng gay role dahil dalawang beses na raw niya itong ginawa, una sa movie nina James Reid at Nadine Lustre na This Time at pangalawa sa Camp Sawi na kamakailan lamang ipinalabas sa mga sinehan.

Samantala, tinanong namin si Brent kung ano ang kanyang naramdaman tungkol sa pag-ayaw sa kanya ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

“I fully understand her. She has her own personal reason kung bakit ayaw niya ako but I respected her own opinion. Mothers or parents would only want the best for their children,” tugon niya.

Samantala, ayaw pang ibahagi sa amin ni Brent kung bakit matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang biological mom.

Si Brent ay nagtapos ng Medical Technology course sa Siliman University sa Dumaguete City kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Show comments