^

PSN Showbiz

Paolo takot mag-promote ng Die…

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napakamagalang ni Paolo Ballesteros sa Dabar­kads niya lalo na kay Vic Sotto dahil bago ipalabas at habang ipinalalabas ng pelikula nilang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ay never niyang isinabay ang pagpu-promote ng Die Beautiful, ang pelikula niya na nakasali sa MMFF 2016 na ginawa ng mag-partners na sina Jun Lana at Perci Intalan.

Ganun siya ka-respeto sa mga kasamahan niya sa Eat Bulaga. Pero, siguro nga ay maganda ang Die Beautiful dahil iba at marami ang nagpo-promote para sa pelikula.

Mga inilagay sa Walk of Fame inalmahan

Dahil hindi nabigyan ni Kuya Germs ang sarili niya ng star sa Walk of Fame Philippines na kinamatayan na niya pero ipinagpapatuloy pa rin ng kanyang anak na si Fe­derico Moreno kasama ang isang board of directors, napagpasyahan nila na sa susunod na taon ay magkakaroon na siya (Kuya Germs) ng bantayog sa Eastwood.

Matagumpay ang ginawang pagpaparangal at pag­bibigay ng mga karagdagang bituin sa mga per­­so­nalidad na kinabilangan nina Liza Soberano, John Arcilla, Jennylyn Mercado, Angelica Panga­niban, Jodi Sta. Maria, Shaina Magdayao, Barbie Forteza, Ted Failon, Luchi-Cruz Valdez, Susan Enriquez, Eddie Ilarde, Manolo Favis, Pepe Smith, Willie Cruz at Zeneida Amador  nitong unang araw ng Disyembre.

At bagaman at wala na ang Master Showman ay tila may daing pa rin sa mga naiwan niya para magpatuloy ng WOFP ang mga supporter ng ibang artista. Kung talagang deserving sila, hintay lang sila at baka next year ay kasama na sila.

Baron habang buhay ang parusa?!

Sayang naman kung hindi na mabibigyan muli ng assignment si Baron Geisler dahil sa sunud-sunod niyang pagkakasangkot sa nga kontrobersya at gulo. Hindi naman siguro pang-habambuhay ang magiging kaparusahan niya. Patunayan lamang niya na pwede siyang magbago at patatawarin din naman siguro siya. Palagi namang may puwang ang industriya sa mga may talento na tulad niya, huwag lamang niyang abusuhin. Mayroon kasing hangganan ang pasensya ng lahat.

Gabby type nang maging lolo

Magawa kayang bitawan ni Gabby Concepcion, katulad ng sinabi niya, ang anumang trabaho niya kapag nagkaroon na sila ng proyekto ni Sharon Cuneta? Nagawa niyang klaruhin sa presscon ng bagong serye niya sa Kapuso network na payag siya sa ideya na pakikipagtambalang muli sa Megastar. “Hindi totoo na ako raw ang umaayaw sa pagkakatuloy ng proyekto. Hindi ito totoo,” pagtatanggol ng hanggang ngayon ay napakaguwapo pa ring artista at payag na ring maging lolo kapag nagkaanak ang mga anak niyang babae na pare-pareho nang may mga karelasyon.

Xian at Coleen nag-swak sa MMK

Isang baguhang pareha ang natunghayan sa Maalala Mo Kaya kagabi. Naunahan na ni Xian Lim si Kim Chiu na gumawa ng proyekto kasama ang iba. Sinubukan ang bagong pareha nila ni Coleen Garcia at siguro nga ay pareho silang magaling na artista dahil nagawa nilang magampanan ang kanilang mga role na nakikipaglaban sa HIV infection.

Ang kuwento ay paggunita sa selebrasyon ng World AIDS Day.

Nakakasama nina Xian at Coleen sa nasabing episode sina Assunta de Rossi, Carlos Agassi, Carla Humphries, Tess Antonio, Sophia Reola at Ashley Sarmiento na dinirek ni Elfren Vibar at sinulat ni Arah Badayos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with